CHAPTER 46

1216 Words

SA IKATLONG LINGGO mula nang magkita uli sila ni Maki, natagpuan ni Allen ang sarili na naglalakad papunta sa parke na malapit sa martial arts studio. Lunes at walang taekwondo session ang klase niya sa araw na iyon kaya marami siyang libreng oras. Ang orihinal niyang plano ay pumunta sa convenience store para bumili ng mamemerienda pero nilampasan niya iyon para magpunta sa park. Malayo pa lang siya nakita na niya ang binata. Nakaupo sa isang bench doon at nakatutok ang tingin sa playground kung saan may mga batang naglalaro. Kupas na pantalon, tsinelas at maluwag na hooded jacket na naman ang suot nito. Napansin din niya na may hawak itong ipad na nakapatong sa isang hita nito habang sa kabilang hita naman ay nakapatong ang kamay nito, gumagalaw-galaw ang mga daliri. Mukhang malalim an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD