Isang linggo na mula nang huli sila magkita ng dalaga. Bukod sa siniguro niyang nasa loob siya ng Bachelor’s Pad para may nakakausap si Montes ay kinailangan din niya tapusin ang maintenance security na ginagawa niya para sa Empress Bank at iba pang kompanya na nasa ilalim ng St. Clair Holdings International. Kahapon hindi na talaga niya natiis at nagbihis na para lumabas at puntahan si Allen. Kaso naglalakad pa lang siya sa ground floor hallway ay tumawag na sa cellphone niya ang kanyang adoptive mother, sinasabing paalis na ang eroplano nito papunta ng Manila. Mahigpit na utos nito na dapat naka-standby siya kasi kapag tumawag ito kailangan magkita sila agad. Ganoon ka-tight ang schedule nito. Kaya hindi natuloy ang balak niyang paglabas. “Balak mo ba talagang sabihin kay Matilda ang

