“NAMI-MISS mo si Maki ‘no?” Nabitawan ni Allen ang bitbit na kicking pads sa sobrang gulat niya kasi biglang nagsalita sa likuran niya si Mr. Kim. Nang lingunin niya ito nakita niyang nanunudyo ang ngiti ng boss niya. “Uy, nami-miss niya,” sabay at pakantang biro rin nina Donna at Nina na pareho ring nagliligpit ng equipment na ginamit sa klase. Katatapos lang ng evening session. Tumikhim siya at sumimangot. “Huwag na nga kayo mang-asar.” “Pero hindi niya dineny na miss na niya si pogi,” sabi ni Donna. Uminit ang mukha ni Allen pero hindi sumagot. Pinulot lang niya ang nabitawang kicking pads at halos tumakbo papunta sa storage room para makalayo sa mga ito. Isang linggo na mula nang huli silang magkita ni Maki. Siguro nga tama ang mga katrabaho niya na na-mi-miss niya ito kahit n

