NANLALAKI ang mga matang napakapit si Allen sa laylayan ng jacket ni Maki nang huminto sa harap ng Chef Derek’s ang sinasakyan nilang taxi. “Diyan tayo kakain? ‘Di ba pang sosyal diyan? Papapasukin ba tayo sa suot natin?” “Don’t worry about it,” kaswal na sagot nito, nagbayad sa driver at binuksan ang pinto para makababa silang dalawa. Kahit nang naglalakad na sila palapit sa entrada ay worried pa rin siya. Napansin na niyang mula sa restaurant na iyon ang pagkain na palaging pinapadala nito sa martial arts studio nila pero hindi ba may dress code sa mga ganitong kainan? Sinulyapan niya ito. “Palagi mong tinatago ang mukha mo pero masyado ka naman yatang kompiyansa at relaxed na pumasok sa lugar na maraming tao?” komento niya. “I’m not really calm you know,” sagot ni Maki na huminga

