CHAPTER 53

1446 Words

NAULIT ang pag-aaya ni Maki kay Allen na kumain. Minsan lunch. Madalas dinner. At paiba-ibang kainan. Napansin niya na sa mga unang beses naiilang at tensiyonado ang binata kapag napapalingon lahat ng mga tao rito sa tuwing papasok sila sa isang restaurant. Mukhang totoo nga na talagang sinasanay nito ang sarili na napapalibutan at tinitingnan ng maraming tao. Pero kahit ganoon ay nakakalimutan nila ang atensiyon mula sa ibang tao kapag magkaharap na silang nakaupo sa isang lamesa. Mula nang magdesisyon si Allen na huwag na pigilan ang sariling mapalapit sa binata, mas naging komportable at masaya na siya kapag magkasama sila. Narealize niya na sobrang tagal na mula nang maging ganoon siya kasaya. Nakalimutan na niya kung gaano kasarap sa pakiramdam na gumising sa umaga at mapapangiti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD