“TINATANONG mo kung bakit kailangan ko ng malaking halaga ‘di ba? Kailangan ko kasi ‘yon para mabili ko uli ang bahay kung saan ako lumaki. Tanda mo ‘yong bahay namin sa probinsiya? Bukod sa insurance ni papa na nagamit ko para matuloy ko ang pag-aaral ko at maka graduate ng college, ang bahay na ‘yon lang ang tanging naiwan sa akin ng mga magulang ko. Hindi ‘yon sobrang laki pero lahat ng childhood memories ko na kasama sila ay naroon.” Nakaupo na sila sa isang bench sa park. Nagpunta sila roon nang mahimasmasan si Allen. Halatang nagulat si Maki sa sinabi niya. “Paano nangyari ‘yan?” Kumirot ang puso niya nang maalala ang naging katangahan niya noon. “Dahil gusto ko maka-graduate kahit anong mangyari, nag dorm ako malapit sa campus at ibinuhos lahat ng atensiyon ko sa pag-aaral. Ni hin

