“Am I late?” tanong agad ni Atasha nang makarating sa resthouse ni Denzel. Mula sa airport ay nagpahatid siya sa taxi. Na-delay nang kaunti ang flight niya kaya nag-aalala siyang baka hindi na niya maabutan pa ang contact nito. “You just came right on time.” Idinala siya nito sa terrace kung saan matatanaw ang man-made lagoon. “Take a seat.” Umupo siya sa upuang gawa sa kawayan. “Thank you.” Luminga siya sa paligid. “Nasaan na ang contact mo?” “Parating na siya,” sabi nito at umupo sa tabi niya. “Mag-lunch ka muna. Mukhang hindi ka pa kumakain.” “Gusto ko nang makausap ang contact mo, Denzel. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Hahabulin ko agad ang flight pabalik sa Manila.” Hindi siya nagpaalam kay Kurt. Wala ring nakakaalam na pumunta siya sa Davao. Kaya dapat din niyang bumalik agad
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


