“I am surprised! I am glad that your fiancé allowed you to visit me considering that you’ve been avoiding me like a plague these past few days,” maasidong salubong ni Denzel kay Atasha nang puntahan niya ito sa opisina nito. “You are the new town mayor. I hope you won’t mind if I pay a visit. And besides, I still consider you as my friend.” “But you don’t usually visit me,” sabi nito matapos utusan ang sekretarya na ikuha ito ng kape. “At tiyak na magagalit ang boyfriend mo kapag nalaman niya na nandito ka sa opisina ko.” “Kurt won’t mind. Malaki ang tiwala niya sa akin,” kampante niyang sabi. Alam ni Kurt na hindi niya ito ipagpapalit lalo na kay Denzel. “What is the purpose of your visit?” “This is both a friendly visit and business. Not totally business. Bilang anak ng dating mayor

