Hindi maubos-ubos ang instruction ni Atasha sa crew ni Ruth na siyang namamahala sa catering. Kanina pa kasi nahihilo ang kaibigan niya dahil katulong pa rin ito sa pag-aasikaso ng pagkain para sa launching ng livelihood program ng grupo nila para sa mga maralitang kababaihan ng lalawigan ng Davao na ginaganap sa plaza malapit sa kapitolyo. Maraming dadalo sa programa kasama na ang mga taong may matataas na posisyon sa lalawigan. Kaya naman pati siya ay malapit na ring bumigay sa pagod kahit hindi pa nagsisimula ang mismong program. Nakaalis na ang head ng catering nang lapitan siya ni Denzel. “Good morning, Atasha. Where is Ruth?” “Nasa office ng papa niya. Napagod siya sa paghahanda ng pagkain. Kaninang madaling araw pa siya gising. Puntahan mo na siya,” aniyang may halong pagtataboy

