Pilit na bumangon si Atasha kahit na masakit pa ang ulo niya. May hangover siya dahil sa pakikipagsaya kina Denzel at Ruth. Alas kuwatro na ng madaling araw nang patuluyin siya ni Ruth sa isa sa mga kuwarto sa resthouse nito. Kaya naman mataas na ang araw saka pa lang siya nagising. Hindi siya dapat magpatanghali ng gising dahil hindi siya nagpaalam sa bahay nila. Tiyak na magtataka ang mga tao doon kung nasaan siya. Maging kay Kurt at hindi niya sinabi sa tindi ng tampo niya dito. Paglabas niya ng kuwarto ay naabutan niya si Denzel na papunta sa kuwarto niya. “Good morning! Masakit ba ang ulo mo.” “Hindi masyado,” kaila niya. “Where is Ruth?” “Umalis na siya dahil kailangan siya sa restaurant.” “Aalis na rin ako.” Wala siyang planong makasama nang matagal doon si Denzel nang silang d

