“Hindi ka ba napapagod sa pakikipag-usap sa kanila?” nakalabing sabi ni Atasha at umabrisyete kay Kurt. Katatapos lang nitong kausapin ang ilang business man na bisita sa party ng Mama nito. “Hindi. Sanay na ako.” “Malamang kabisado mo na ang sinasabi nila. Naririndi na ako,” mariin ngunit mahina niyang sabi. Kahit ang muscles niya ay ngawit na kangingiti at katatango sa lahat ng sinasabi ng mga ito. “Paano ka magiging perfect politician’s wife kung hindi mo alam paano makikisama sa mga bisita?” “Makipag-plastikan kamo,” pagtatama niya at sumimangot. “Saka pwede bang huwag na lang perfect politician’s wife? Wife na lang.” “Don’t pout,” utos nito sa kanya. “Baka makita ka ng mga bisita. Isipin nila na bored ka na. At baka masermunan pa tayo ni Mama.” Lalo siyang sumimangot. Enjoy na e

