“Ayoko sa kanya! Si Kimberly ang gusto kong makita. Siya ang gusto kong pakasalan mo!” sigaw ni Lola Anselma mula sa loob ng kuwarto. Hindi sila nito nilabas ni Kurt nang dumating sila. Ni hindi sila makapasok sa kuwarto nito dahil galit na galit ito. Kaya kahit tapos na ang oras ng tanghalian ay pare-pareho pa rin silang hindi nakakakain. “Lola, harapin naman ninyo kami ni Atasha. Kilalanin muna ninyo siya bago kayo magalit. She’s also nice and…” “Hindi! Oo, magkamukha at magpinsan nga sila ni Kimberly pero ayoko sa kanya! Kung siya ang pakakasalan mo, kalimutan mo nang lola mo ako. Magpasalamat ka dahil nagkasakit ako noong engagement party mo at hindi ako nakapunta. Kundi ay ineskandalo ko kayo ng babaeng iyan,” sentimyento nito. “Hindi din ako pupunta sa kasal mo. Titiyakin akong ma

