“What heir?” bulalas ni Atasha. Daig pa niya ang binaril sa ulo sa term na sinabi ni Kurt. Minsan lang sumagi sa isip niya na magkakaanak sila pero mabilis niyang binura iyon sa isip. Dahil imposible. Now he was asking for an heir. “Our own flesh and blood. Gusto kong magkaroon tayo ng anak. Kailangan ko ng tagapagmana,” kaswal nitong sabi na parang nanghingi lang ito ng laruan. “Pero wala ito sa usapan ninyo ni Ate Kim! No consummation of marriage!” paalala niya. Akala siguro nito ay mauutakan siya nito. Sabi na nga ba’t pinagna-nasaan nito ang katawan niya. Kailangan muna siya nitong pilitin bago siya bumigay. Pumayag siyang magpahalik pero hindi niya basta-basta isusuko ang Bataan. “You want things to change, Atasha. You want to be my partner and mix with my affairs. Iyon ang bagay n

