“Sorry sa ginawa ni Mama. Hindi ka dapat niya pinagsalitaan ng hindi maganda,” hinging paumanhin ni Kurt nang pauwi na sila sa mansion nila. Dapat ay tutuloy siya sa ospital pero sinabi nito na sasamahan na lang siya nito bukas na dalawin ang Tito Horacio niya. Sinulyapan niya ito at malungkot na ngumiti. “Hindi naman ako ang sinaktan niya. Ikaw ang sinampal niya. Masakit ba?” Akmang hahaplusin niya ang nasaktan nitong pisngi kanina nang pigilin nito ang kamay niya. As if he hated to be touched. “Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Sanay na ako. Manhid na nga ang pisngi ko sa kasasampal niya,” kaswal nitong sabi. Na parang hindi nga ito nasaktan kahit kaunti sa pananakit ng ina. “Ano? Lagi ka niyang sinasampal?” bulalas niya. “Mula pagkabata ko,” kwento nito. “Kapag may nagagawa ako

