“STABLE na ang kondisyon niya. Nabigla lang siya marahil dahil sa dami ng iniisip niya. Matagal na niyang iniinda ang sakit niya at matagal ko na siyang pinayuhan na huwag papagurin ang sarili niya sa kaiisip nang kung anu-ano,” sabi ng doctor na tumingin kay Horacio. Nagpapahinga na ito sa kuwartong nakalaan para dito subalit hindi pa rin humuhupa ang tensiyon na nararamdaman ni Atasha. Manhid pa rin ang utak niya. Hindi pa rin siya nakaka-recover nang atakihin sa puso si Horacio dahil sa labis na galit sa kanya. “Pero hindi po niya sinabi sa amin ang kondisyon niya, Doktor,” anang si Bettina na hindi tumitigil sa pag-iyak. “Kung alam ko lang…” Hindi nito naituloy pa ang sasabihin dahil nagpatuloy na naman ito sa paghagulgol. “Kasalanan ko ito!” “Tumahan na po kayo, Tita. Hindi naman n

