“KUNG natatakot ka sa galit ko dahil sa pakikipagsabwatan mo kay Rohann para itanan si Kim, huwag kang mag-alala,” sabi ni Rohann habang nasa hotel suite sila. Bago pa nito harapin ang mga bisita ay pinilit muna niya itong kausapin siya. “Wala akong plano na gawin iyon sa pagkakataong ito. Mas kailangan kong intindihin ang mga taong naghihintay sa akin sa labas at ang kalusugan ng Tito Horacio mo.” “Hindi ako natatakot sa galit mo. Gaya ng sinabi ko, handa akong harapin ang mga consequences ng ginawa ko. Dahil sa akin, muntik nang mamatay si Tito Horacio. Nabilad na rin ang parehong pangalan natin sa kahihiyan. Hindi kita hahayaang humarap sa mga tao nang mag-isa.” “Sasamahan mo akong magpaliwanag?” anito at umangat ang gilid ng labi. “You don’t have to worry. I can face them myself.” “

