Kinabukasan maagang gumising si Scarlet. At masaya siya ng makitang completo na ang mga trabahante niya hindi na niya kailangan tumulong.Minsan kasi may ilang hindi nakakapasok dahil may importante.
At bilang boss hindi naman siya nag rereklamo dahil naintindihan din niya ang sitwasyon.
As the time passed by, pa labas-labas siya ng managers office parang hindi siya mapakali.Nag o-obserba siya pero ang totoo binabantayan niya si Hero kong pupunta pa ito gaya ng isang araw.
Hindi man niya mapagkaila pero parang na miss niya ang presensya ng binata.Bakit ganon dapat kinaiinisan niya ito dahil walang modo.
Dapat nag tanda na siya dahil sa nangyari sa kanila ng ex-boyfriend niya.Isa din itong manloloko dahil siya mismo ang nakakita ng kanyang pagtataksil.
At walang ibang umagaw kundi ang bestfriend niyang magaling, kunwaring worried nong time na nag aaway sila.Hmmppff magsama sila, mas maganda nga siya sa bestfriend niya kaso ang walang hiyang Ex niya ay hindi kontento dahil hindi niya nabigay ang pangangailang s****l.
At asa naman siya sa mapa-pangasawa niya lang ito, ibigay self preservation kumbaga.
Mas lumipas pa ang araw at wala siyang balita sa future husband niya mas mabuti ng gano'n. Katatapos lang niyang maligo ng may kumatok sa pintoan wala naman siyang ini-expect na bisita.
Sino kaya yon? pagbukas niya ng pinto napangiti siya ng makita ang dalawang kaibigan si Hazel at saka si Miya. "Hello friend! na miss mo ba kami? sabay kindat pa ng dalawang kaibigan."
May dala si Hazel na pizza at si Miya naman ay may dalang inomin. Taga linggo kasi binibisita siya ng dalawang kaibigan nakasanayan nila ng College palang sila.
"Kamusta naman ang dalawang maganda kong kaibigan" sabi niya at niyakap niya ang mga ito.
"Heto maganda parin" sabay sabi ng dalawa at pumasok sa loob ng bahay.
Dumeretso sila sa sala at sumalampak ng upo si Miya si Hazel naman ay umopo sa sofa.Binuksan nila ang inumin at ang dala nilang pizza.
"So, anong ginawa niyo buong linggo."Tanong ni Scarlet sa kanilang dalawa , si Hazel ang unang sumagot.
"Ako kalilipat ko lang ng condo."
Tumango naman silang dalawa habang kumakagat ng pizza.
"I have a very hot neighbor, and I think kapag nakikita ko siya parang siya na ang the one ko. Alam niyo ba kong gaano siya ka hot, kong magkikita kami parang makalaglag panty ang ka gwapohan" bungisngis niyang sabi
Tumawa naman ang dalawa, "Ang tanong gusto ka ba?" aniya ni Miya
Nawala ang ngiti ni Hazel at inirapan si Miya. "Alam mo ang bitter mo kahit kailan,dapat support ka sakin.Alam mo magkakagusto rin yon sa akin, landi lang kulang no'n para maging patay na patay rin siya saakin."
Umingos si Miya,"Oo na nga" at kumagat ng pizza at kumuha."Atually, my days are so damn boring."
"Hindi nga?" sabi naman ni Hazel."Alam mo ba ang sinasabi mo Miya you are a freaking flight attendant.Araw-araw iba-iba ang nakikita mo at nakakausapibang klasi ka talaga boring pa ba yon."
Napa buntong hininga si Miya. "Kasi naman eh parang hindi ko na gusto ang trabaho ko boring palagi na lang ganon araw-araw. I mean, I've been flight attendant for 9 years.Halos lahat ng lahi naka salamuha ko na, at hindi lang yon ni isa wala pa akong nagustohan man lang.At yong boss ko sobrang suplado parang galit sa mundo, at marami na siyang nasisante sa mga kasamahan ko."
Napa buntong hininga na lang si Hazel. "Baka yong boss mo may saltik kaya ganon."
Napaisip naman si Miya, "iwan ko ba sa kanya baka nga."
Si Scarlet naman ay walang imik hindi niya ma sabi-sabi na papakasal na siya.Ayaw niyang kulitin na naman siya ang kaibigan chismosa din naman Kasi ang dalawa pag dating sa kanya.Pero kailangan din nilang malaman dahil kaibigan niya ang mga ito.
How about you Let? aniya ng kaibigan.Hindi alam ni Scarlet kong ano ang isasagot.
"Ikakasal na ako", halatang nagulat ang kaibigan pero may nakikita siyang saya sa kanilang mga mukha.
"Yes sa wakas" sigaw ng dalawa.
"Dahil lang yon sa kasundoan " aniya na bakas ang lungkot sa mga mata.
"What?" the two looked shock, "Oh my!
ano ng gagawin mo ngayon?" tanong ni Hazel.
"Sabihin mo samin nag yes kana ba sa kasundoan?"
"Wala akong magagawa eh, at saka yon ang hiling ni Lolo bago mamatay."
Tumawa siya ng mapakla at nag uunahan ma malisbis ang kanyang luha.
Wala namang siyang magagawa marami silang utang para bayadan ayaw na niyang madamay pa ang mga kaibigan sa problema niya.
Habang umiiyak siya nakatitig lang ang mga kaibigan na parang shocked parin sa nangayari.At yumakap naman ang dalawa sa kaniya para patatagin ang loob at sarili.
"Shhhh ok lng yan Let malalampasan mo rin ito" aniya ni Miya.
"Tama si Miya Let matatag ka kaya kakayanin mo at malalampasan to" sabi naman ni Hazel.
"At sino pala itong mapa-pangasawa mo?" sabay na sabi ng dalawang kaibigan. "Si Hero Navarro yan ang pangalan niya."
"Huh? girl alam mo ba kong gaano yon ka gwapo at kayaman, hindi lang yon marami ding babae ang humahabol sa kanya ."
"Hero Navarro, the owner of Navarro enterprise?"
"Alam ko" sabi ng dalaga.
"Well, kung siya man yon napaka swerti mo naman girl bukod sa mayaman napaka hot pa, sabi naman ni Hazel.
"Sa wakas matitikman mo rin ang isang Hero Navarro pag kinasal na kayo."Aniya ng kaibigan na ikinapula ng pisngi niya.
Kumonot naman ang noo niya. "Sigurado naman ako na hindi ko mapapantayan ang mga humahabol sa kanya."
Si Miya naman ay umirap "hindi mo ba nakikita ang sarili mo girl maganda ka mala porcelana ang balat at higit sa lahat ma tangkad."
Nagsalin siya muli ng inomin at mabilis inubos iyon. Pagka ubos niya sinalinan niya muli at linagok.At mukhang napansin naman ng dalawa na balak niyang ubosin Ito kaya inaya na Lang nila itong manuod ng love story na movie.
It is an amazing movie and one of her favorite, pero hindi niya ma- appreciate yon ngayon dahil sa haharapin pang problema. Sobrang layo ang tinatakbo ng isip niya hindi lang niya pinapahalata sa mga kaibigan pa baka mag worry na naman sila.
Natapos lang ang kanilang pinapanood na movie lutang parin siya.Pagkatapos nilang manood, ang kaibigan niya ang nag prepare ng kanilang lunch as always, masarap kasi sila mag luto. Until her friends left the house after lunch.She was still lost in her thoughts.
Lumipas pa ang mga araw at as always ginagawa niya ang kanyang daily routine.Matulog at maligo at papasok ulit sa Restaurant yon na ang kanyang nakasanayan .Hindi siya nag-aagahan at pumapasok siyang minsan hindi nag- aagahan, minsan kong tinotopak siya kumakain din siya pero mabibilang lang yon.
PAGOD na napaupo so Hero sa kanyang private plane niya at hinihintay niya iyong mag take-off. Halos ilang araw din siya abala sa Navarro enterprise. Mayroon din kasi siyang ka meeting na kailangan ay ma sipot dahil kong hindi ay maari din itong mawala at ang iba no'n ay mga investor pa nila.
Gusto niyang bumalik sa Pilipinas agad.Pero marami ang a-akasohin niya at responsibilidad sa kompanya kong kaya ay ipinagliban na muna niya ang pag-uwi.
At ngayon nagpapasalamat siya after how many days makakauwi na siya sa Pilipinas. At oo nga pala ma-isasagawa na niya ang maitim na plano sa babaeng yon.
Kaya matutulog na muna siya para meron siyang lakas.Kakailanganin na naman niya ang energy kapag nagka harap na naman sila muli ng babae.