Nag makarating si Hero sa bahay nila daig pa niya ang ang binugbog ang katawan. Sino ba naman ang hindi mapapagod ilang oras sila bumyahe.
Napapiglag siya ng makarinig ng katok sa pinto.
"Anak Hero diyan kana ba sa kwarto mo?"
"Yes ma, pasok ka kakarating ko lang po." At agad naman bumukas ang pinto masaya itong nakatingin sa kanya.
"Bakit parang masaya ka ngayon ma, anong meron?"
"Alam mo anak dadating na kasi ang papa mo galing Spain sabi kasi niya gusto niyang makilala ang magiging asawa mo."
"Kaya susunduin natin siya bukas sa airport anak at sabi niya daw mag di-dinner tayo kasama si Scarlet para mapag-usapan daw ang kasal.Kaya ngayon din anak puntahan mo si Scarlet sa kanila at ipaalam sa kanya."
"Sige ma kung yan ang gusto mo" niya ng binata.
"Ito ang address nila anak puntahan mo na lang siya para makapag-usap na din kayo." Agad naman tinanggap ng binata ang papel na nakasulat ang address ng dalaga.
"Mauna na muna ako Ma pupunta pa kasi ako kina Jimenez sabihan ko na lang din si Scarlet." Agad naman tumango ang ina bilang pag sang-ayon.
"Hey bud long time no see kamusta na?" Sabi ng kaibigan niyang tupakin madali lng siyang nakarating dahil sports car ang ginamit niyang sasakyan.
"Ito gwapo parin hindi na bago yon" sabi ni naman ni Hero at tumango-tango din ang kaibigan bilang pag sang-ayon.
"Beer?" alok ng kaibigan at agad naman niyang tinangap.
"So totoo bang magpapakasal kana bud hindi kana magpapa pigil?"
"At saan mo naman yan nalaman ang chismoso mo huh."
"Walang chismis na hindi nabubunyag bud tandaan mo yan" at sinabayan niya pa ito ng tawa.
"Baka secreto gago."
Agad niyang inubos ang beer sa can, "mauna na ako wala kang kwenta kausap."
"Sige bud regards na lang sa future wife mo" aniya ng loko-loko na para asarin siya.
"f**k you Jimenez" aniya at nag middle finger siya sa kaibigan at tuloyan nang umalis. Oo nga pala pupuntahan pa niya ang dalaga.
Makalipas ang ilang minuto nakarating na siya sa address na binigay ng ina niya .Ang bahay na nasa harapan niya ay hindi rin siya malaki hindi rin maliit kumbaga sakto lang ang laki nito.
Pinatunog niya ang door bell at makalipas ang ilang pag ingay nag bukas na rin ito. At linuwa nito ang dalaga, napa kaganda nito sa suot na pantulog at napaka sexy bagay sa maputi nitong balat.
Baka epekto lng to ng beer tama gano'n nga.Ipinilig niya ang ulo kong anu na ang naiisip niya.
"Anong ginagawa mo dito Mr.Navarro?"
aniya na nagpa balik sa kanyang diwa .
"Really? ganyan talaga ang bungad mo sakin hindi mo man lang ba ako papasokin" aniya para ma baling ang atensyon sa iba.
Kahit ano kasing dis-gusto sa dalaga ng una ay hindi parin niya ma iwasan ang atraksyon para dito.Parang magnet ang dalaga na may humihila dito para lumapit siya dito.
"Pasok ka" agad naman siyang pumasok naunang maglakad ang dalaga at kita na naman niya ang naka umbok niyang pang upo.Her sexy delectable ass sa isiping iyon agad uminit ang pakiramdam.
Sa tanang buhay niya hindi pa siya na a-attract sa sa ganon, kahit marami na itong naging girlfriend.At nagtataka siya bakit na raramdaman niya ang ganoon sa dalaga.
"Anong gusto mong drinks?" umakto siya na parang nag-iisip " juice na lang" aniya sa dalaga.
"Pupunta lang ako sa kusina" hindi na niya pinasagot ang binata at agad umalis.Parang hindi kasi siya sanay sa presenya ng binata.
Sa wakas na timpla na niya ang isang basong juice, nilagay na niya ito sa lalagyan at binuhat ang lalagyan nito.Akma na siya papunta sa sala ng may ma bangga siyang matigas na bagay, tumilapon ang juice sa na bangga niya at nag angat siya ng tingin.
Laking gulat niya ng si Hero pala ang na bangga niya, nang laki ang kanyang mata.
"S-orry talaga, anu kaba sabi ko sayong mag titimpla lang ako ng juice bakit ka sumunod na parang kabute pa sulpot2 ka kasi." Sabi niya para ma ibsan ang tensyon sa kanilang dalawa.
Agad niyang pinunasan ang damit ng binata na nabasa ng juice.Uminit ang mukha niya sa hiya ng bumakat ang n*****s ng binata at tiyan.
"Oh my! yummy abs" aniya ng isip. Gaga ka Scarlet ang halay ng utak mo ,aniya naman ng isang bahaging isip.
Lalong nag-init ang pisngi niya ng mapansing papalapit na ang mukha ng binata. Oh no! hahalikan ba niya ako?
At tama nga siya halos ilang dangkal na lang ang lapit ng mukha nila sa isat-isa. Kumawala siya sa binata at akmang tatalikuran niya ito ng sapuin ng binata ang mukha nito.
Parang tumigil ang pag- inog ng mundo niya ng maglapat ang labi nila. His lips were soft taste like a beer.The taste of his lips plastered her.At first, Scarlet didn't move,but slowly hindi na niya kaya agad niyang tinugon ang halik ng binata na nagpawala sa kanya sa sistema.Kapwa nila hinahabol ang hininga ng mag hiwalay ang kanilang mga labi.
Agad nag sink in sa utak ng dalaga ang ginawang ka-gagahan.Hindi niya matanggap na nag padala siya sa halik ng binata. It's so embarrassing aniya ng isip.
Agad siyang tumalima at unang pumunta sa sala para ma ibsan ang hiya.Hindi niya namalayan nakasunod pala ang binata.
"Kalimutan mo na lang yong nangyari" aniya sa binata.
Agad naman tumalim ang mata ng binata. "Bakit hindi mo ba gusto ang halik sarap na sarap ka rin Scarlet hindi mo lang ma amin sa sarili mo.At hindi ako tanga para hindi ko yon maramdaman dah-il"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil agad dumapo ang palad ng dalaga sa kanyang mukha. "At sino ka para pangunahan ang nararamdaman ko hindi ka ako para malaman ang damdamin ko" aniya ng dalaga parang maiiyak na siya sa galit.
Kita sa mukha ng binata ang galit halatang nagtitimpi lng ito dahil naka kuyom ang mga kamay nito.
Agad siyang tinalikuran ng binata at ilang hakbang pa ay agad rin itong humarap sa kanya, At nag tama ang kanilang mga mata.
"Oo nga pala imbitado ka ni mama bukas sa dinner" aniya ng binata at tuloyan na itong umalis. At tuloyan ng tumalikod ito narinig pa niya ang tunog ng sasakyan nitong papalayo.
Parang nawalan ng lakas ng kaniyang binti at napa upo na lang siya sa sofa.Mas mahirap palang mag kunwari na matapang kung lalaki ang kaharap.Kaya ng gabing iyon pinilit na lang ang sarili na nakatulog maaga pa siya bukas.