Chapter 1: The Price of Admission
🩺 Tyler Kezter Rosier
"Oh, Tyler..." bati ni Avery Hartwell Isang mabilis na tingin ang ginawa niya mula ulo hanggang paa, habang ang kanyang pink na labi ay kurbado sa isang mapanlokong ngiti. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya, siya ang senior class president na mahilig mang-manipula para makuha ang gusto niya. "It's so good to see you. Wow. Nakikita ko ang pictures mo sa magazines at social media, but you're way better looking in person than I remember from high school."
"Um. Thank you?" Medyo patanong ang sagot ko, sabay lingon sa kanya.
"Sure. No problem." Dinilaan niya ang labi niya habang ang kanyang makapal na fake eyelashes ay kumukurap-kurap sa harap ko. Parang butterfly. "Are you here alone tonight?" Tanong niya sabay tawa nang mahina, habang namumula ang kanyang pisngi. Eh, may asawa na siya, 'di ba? Pwede ba nating banggitin 'yun?
"I'm only asking because I need to know how much to charge you. Ako muna ang sumasalo ng bayad habang hindi pa inaayos ng event coordinator ang s**t niya," reklamo niya, sabay irap. "Anyway, it's a hundred per person. Should I put you down for one or two?"
Dito ako nag-hesitate. Hindi dahil sa pera. Money is not an issue.
"Just give me a second."
Nakatitig pa rin siya sa akin nang matagal. "Sure. I'll give you all night."
"Right." Wala na akong maisip na isagot. Hindi ko matandaang ganito siya ka-flirty noong high school kami. Pero siguro, ten years na ang nakalipas. At noong high school, taken ako. 'Yun ang dahilan kung bakit ayaw kong pumunta rito, pero 'yun din ang dahilan kung bakit nandito ako. Pero parang gusto ko nang mag-back out.
Wala naman akong kailangang patunayan sa kanila. Hindi sa kanya, hindi sa douchebag niyang asawa—na dati kong kaibigan—o sa kung sino man.
Dapat siguro umalis na lang ako. Puntahan ko na lang si Carter sa paborito naming bar at maglasing na lang. Dito? Hellhole ito. At totoo, kailangan ko ng alak. Masakit ang ulo ko sa trabaho. Masyadong maraming pasyente, kulang sa oras. At 'yung balitang bumalik ang cancer ni Mommy... masakit sa dibdib.
Kinuha ko ang phone ko at nag-text kay Ysha, ang best friend ko.
Me: Sorry, babe. Hindi ako makaka-attend.
Agad na lumabas ang message bubble.
Ysha: Hindi ito choice, honey pie. Lahat nagtatanong kung nasaan ka na. Everyone.
Naisipan kong itanong kung kasama ba siya sa mga nagtatanong. Gustong-gusto ng mga daliri ko na i-type ang tanong na 'yun, pero pinigilan ko ang sarili ko. Siyempre nagtatanong siya. 'Yun ang ginagawa niya. Hinahabol niya ako nang parang terorista kahit lumipas na ang maraming taon.
Siguro tuwang-tuwa siya na ipakita ang picture-perfect life niya sa harap ko, kahit alam niyang siya ang huling taong gusto kong makita. Kaya dapat na talaga akong umalis.
Me: Don't care.
Ysha: Yes, you do. Come on. I know you're already dressed for tonight. Sinabi ni Malcolm sa akin.
Malcolm. Ang traydor kong kapatid.
Ysha: Pumasok ka lang sa hotel. Pumunta ka sa reunion. Have a drink with me. Tingnan mo ang mga tao na hindi mo nakita simula high school na luluhod pa rin sa harap mo. Oh wait, ginagawa pa rin nila 'yun.
Me: You're doing a shitty job of selling it there, sweetums.
Ysha: Iisipin nilang p***y ka kapag hindi ka pumunta.
Me: Nice gauntlet drop.
Ysha: I thought so. Now get your ass over here!
Nagmura ako nang mahina, nag-iisip kung tatakbo na ba ako para sa sanity ko, nang makita ko ang isang maliit, curvy na redhead na naka-tight black dress, mataas na heels, at red lipstick na bumagay sa buhok niya. Papunta siya kay Avery. Late rin siya. At bigla na lang akong napangiti.
Kilala ko siya.
Kahit ten years na ang nakalipas. Hindi makakalimutan ng lalaki ang babaeng nagbigay sa kanya ng first b***r. Sa classroom pa mismo! Labindalawang taong gulang kami noon nang yumuko siya para pulutin ang lapis niya, at nakita ko ang strap ng training bra niya. Instant erection.
Simula noon, crush ko na siya.
"Kiana," bati ni Avery. Wala nang init ang boses niya ngayon kumpara noong ako ang kausap niya. "I had no idea you were coming."
What the f**k? Ten years na kaming graduate sa prestigious prep school na 'yan, pero ang mga rich girls, mean girls pa rin ang ugali sa mga scholarship kids.
Namula si Kiana, pero nag-straighten siya ng tindig. "Well, I'm here. Graduated same year as you. I even received the invitation in the mail. Must have been an error on your part," sarkastiko niyang sabi.
"Uh-huh. It's a hundred-thousand entrance fee," sabi ni Avery na parang tuwang-tuwa na singilin si Kiana.
"A hundred thousand?" mahinang tanong niya.
"Yup. Sorry," sneer ni Avery. "No exceptions. Not even for the kids who were on scholarship."
Tama na. Bago pa ako makagawa ng eksena, lumapit ako kay Kiana at inakbayan siya. "Sweetheart," wika ko. "You made it. I was starting to get worried."
Nagulat si Kiana. Tumingala siya sa akin, kasi ang liit niya kumpara sa akin, kahit naka-heels pa siya. Nakita ko ang sparkling gray eyes niya na mabilis kumurap, at biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Tuyot ang lalamunan ko.
"I'm sorry," sabi niya, nalilito. "I think you must—"
Lumapit ako at bumulong sa tenga niya, naamoy ko ang bango ng buhok niya na parang honeysuckle. "Just go with it."
Lunok siya nang lunok habang tinititigan ko ang mga mata niya. Whoa. That's unexpected.
"I didn't mean to worry you..." nauutal siya, naghahanap ng tawag sa akin. "Tyler," sabi niya sa huli. Huminga ako nang malalim.
"It's fine. I just didn't want to go in without the most beautiful woman in the world on my arm."
Ngumiti siya, at namula ang mga pisngi niya. Goddamn, she's f*****g sexy.
"Wait," sabat ni Avery. "You're with her?"
"I sure am," sagot ko. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Kiana. "I'm a lucky bastard, right?"
"You're with him?" tanong niya kay Kiana.
"So it seems," sagot nito, mukhang nalilito pa rin pero may halong amusement.
"But. You're. You. No. You're Tyler Kezter Rosier," sabi ni Avery. "And she's Kiana Cathryss—"
Pinutol ko siya sa pamamagitan ng isang matalim na tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang manliit ng ibang babae para lang magmukhang magaling.
Nilabas ko ang dalawang hundred-thousand bills mula sa wallet ko at hinagis kay Avery. "Have a good night," sabi ko. Pinagsalikop ko ang mga daliri ko sa kamay ni Kiana at kinaladkad ko na siya palayo, papunta sa ballroom.
Mukhang tutuloy na nga ako sa high school reunion na 'to.
Nang malayo na kami sa mahadera, binawi ni Kiana ang kamay niya. "You remember me?" tanong niya.
"Kiana Cathryss Devereaux. You were in most of my classes from the time we were in sixth grade or so, on."
"Right. What I meant to say is, thank you for stepping in back there, but it really wasn't necessary."
"Maybe not. Pero hindi ko kayang panoorin na maliitin ka ng mga tulad ni Avery. I can't stand women who feel the need to hurt others just to make themselves look and feel better."
Tumaas ang kilay niya. "And yet you dated a woman who did exactly that all through high school."
Touché. Napatawa ako nang mahina. "Can't argue with that. Hell, I dated that same vicious woman through college too. Adolescent mistake."
Habang binabanggit ko ang babaeng 'yun, biglang may naalala ako. Sa bulsa ko, hawak-hawak ko ang singsing na dapat ay ibibigay ko sa kanya—ang babaeng nag-cheat sa akin kasama ang kaibigan ko. Isa itong reminder na huwag nang magtiwala nang sobra.
"Sorry," sabi niya, mukhang nagsisisi sa nasabi niya. "That was insanely rude of me. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yun."
"Look, I wish you hadn't paid for me. Money and I aren't exactly on speaking terms at the moment. Babayaran kita, pero hindi ko pa kaya ngayon."
Hinawakan ko ang baba niya para tumingin siya sa akin. "I don't care about the money. And I don't want you to pay me back."
"Well, thank you. That's very generous. Pero baka dapat umuwi na lang ako. I shouldn't even have come here in the first place."
"Why is it stupid?" tanong ko.
"Because no one in there wants me there. Akala ko makakapasok ako rito pagkatapos ng sampung taon at makikita nila ako nang totoo. Akala ko tapos na ang nightmare ko sa mga bullies. Pero wala namang nagbago. I'm still the girl wearing thrift store digs who couldn't even afford to pay the entrance fee."
Wow. That's…
"Can I tell you something?" tanong ko.
"You mean something to rival the way too personal verbal diarrhea I just spouted?"
Seryoso siya, at malungkot. Gusto ko siyang protektahan. Matagal ko na siyang gusto—dati pa. Yung nerd, tahimik, at reserved na babae.
"I don't want to be here either. Napilitan lang din ako," sabi ko.
"Why wouldn't you want to be here? You're a doctor. Popular guy. Football captain."
Huminga ako nang malalim, handang sabihin ang totoo na ang mga malalapit lang sa akin ang nakakaalam. "My ex is in there. Pregnant. At malamang, ang ob-gyne niya ay ang kapatid ko o ang best friend ko. Ironic, right? Ang hindi nila alam, hawak ko na ang singsing para mag-propose sa kanya noon, pero bago ko magawa, sinabi niya sa akin na in love siya sa best friend kong si Evren."
Nanlaki ang mga mata ni Kiana. "God. That's awful."
"I sacrificed a lot for her. Mas pinili ko ang NYU para sa kanya kaysa sa football sa Michigan. Tapos, noong araw na natanggap ako sa Columbia med school, nalaman kong six months na pala siyang nag-chi-cheat sa akin."
"Jesus, Tyler. I'm so sorry."
"That's because no one knows, so if you wouldn't mind keeping that to yourself, I'd appreciate it."
Hinawakan niya ang braso ko. "Of course. I'll never tell anyone."
"I only wish it had turned out better for us," sabi niya. "But I think my carriage has officially turned back into a pumpkin. Uuwi na lang ako."
Bigla akong nakaisip ng isang ideya—isang nakakabaliw na ideya. Muntik nang mabulunan si Avery noong akala niya ay date ko si Kiana. Paano kung gawin nating totoo?
Gusto ko siyang makasama ngayong gabi. Gusto kong makita ng mga taong nang-api sa kanya na she is special. At gusto kong mapagtanto ni Nora na naka-move on na ako.
Hinawakan ko ang singsing sa bulsa ko. Ito ang magbabago sa lahat.
Isang ngiti ang gumuhit sa labi ko.
Yeah. I have an idea, alright. At sa tingin ko, mapapapayag ko si Kiana. It's only for a few hours anyway. What could go wrong?