Episode 44

1602 Words

Chapter 44 DAISYREE “Pakibaba na lang ako sa tabi,’’ pigil na iyak kong utos kay Oliver. “Bakit ka naman bababa? Nandito na tayo sa kalagitnaan ng byahe,’’ malamig niyang tanggi sa akin. Hindi na ako nakapagsalita nang hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko at napaiyak na lang ako. Hagulgol ang iyak ko at hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi iiyak itong sama ng loob na naipon sa dibdib ko. Agad naman na itinabi ni Oliver ang kaniyang sasakyan at tumingin sa akin. “Bakit ka umiiyak?’’ nagtataka niyang tanong sa akin. “Hindi ko alam kung bakit nagpakasal pa ako sa’yo. Kung iba naman pala ang tinitibok ng puso mo,’’ iyak kong wika sa kaniya. “Sino ba ang nagsabi na iba ang tinitibok ng puso ko, ha? Tahan na, alam mo na ayaw kong nakikita kang umiiyak,’’ pag-aalo niya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD