Chapter 43 DAISYREE Kinabukasan habang nagwawalis ako sa sala ng mga kalat ni Oliver may sasakyan na huminto sa harap ng bahay. Mula kanina paggising ko hindi pa nakalabas ng silid si Oliver. Hindi rin siya nagluto ng almusal namin. Dati paggising ko nakahanda na ang pagkain sa lamesa at may bulaklak sa gilid ko. Subalit ngayon hindi na siya nag-effort. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng may nag-doorbell, subalit lumabas na si Oliver sa kaniyang silid at nakabihis ito. Nagtataka siyang nakatingin sa akin. Marahil iniisip niya na ganitong oras na bakit hindi pa rin ako nakabihis. Saglit lang ang tingin niyang iyon sa akin at binuksan niya na ang pinto. “Good morning, Sir. Ito po baa ng bahay ni Mr. Oliver San Francisco?’’ tanong ng boses ng babae. “Ito nga,’’ tipid na tugon ni Oliver.

