Chapter 42 Daisyree Hindi ko sukat akalain na pupunta si Oliver at ang mga bata sa groceries na pinagta-trabahuhan ko. Noong nakaraang araw nalaman ko na si Chester ang may-ari ng grocery store. Oo humingi ng patawad si Chester sa akin. Sinabi ko na sa kaniya na may asawa at anak na ako. Tanggap niya naman iyon dahil pareho na rin kami na may sariling pamilya. Ikinsal siya sa bago niyang kasintahan noong matapos naming maghiwalay. Naghihinayang man siya sa relasyon namin noon subalit tapos na iyon. Bilang kababayan niya at bilang magkaibigan na lang ang turingan namin sa isa’t isa. Subalit hindi ko naman inaasahan na pupunta siya sa groceries at bigyan ako ng bulaklak. Kinabahan ako nang bulungan ni Oliver si Chester. Usto ko sundan si Oliver upang magpaliwanag subalit may costumer na

