Chapter 38 DAISYREE Wala na yatang mas pinakamasakit sa nararamdaman ko ngayon. Nang makita ko ang bahay kung saan ako pinaniwala ng mag-asawa na anak nila ako ay hindi mapigil ang kirot na nararamdaman ng aking puso. Binuksan ko ang pintuan ng bahay at naupo habang umiiyak. Ngayon ko lang naalala ang lahat. Masakit na makita ko mismo sa mga mata ko na naghahalikan ang asawa ko ang dati niyang nobya. Lahat bumalik sa nakaraan. Ilang beses akong tinawagan ni Oliver sa aking celphone subalit pinapatayan ko siya ng cellphone. Ayaw ko na makausap siya o marinig ang paliwanag niya. Para akong tanga na nagbihis ng maayos para lang surpresahin siya, ‘yon pala ako itong masurpresa. Sinubukan kong hanapin ang mga gamit ko at baka sakaling makita ko pa ang mga papelis ko at ang passport. Saan k

