Chapter 37 Daisyree Ang sumunod na araw ay pinagpatuloy ko lang ang routine ko sa loob ng bahay. Pagkatapos umalis ni Oliver ay naglilinis na ako ng bahay, pinapaliguan ko ang mga bata, padedehin sila at patutulugin saka naman ako magsalang ng mga labahin. Subalit sa araw na ito narito sina Aunte Welma kasama si Penny. Maaga akong nagluto para sa pananghalian namin. Sakto naman na hindi nagbaon ng kanin si Oliver, kaya nais ko siya sana surpresahin sa kanilang Opisina. Sa susunod na linggo ay doon na siya mag-duty sa Kawayan sa subdivision doon na malapit lang sa lupa nila Nanay Doray. “Aunte, Penny, puwede ko bang maiwan muna sa inyo ang mga kambal?’’ tanong ko sa dalawa. “Oo, naman, Iha. Hindi naman mahirap bantayan ang kambal na ‘yan,’’ tugon ni Aunte Welma sa akin. “Saan ka pupun

