Thirteen

2139 Words
Nikita's Point of View Weeks had passed since that commotion with Rome. Sa dalawang taon na hiwalay kami ay ngayon lang ata ako hindi sobrang nadikit sa kanya ng sobra. Grabe ang pag-iwas na ginagawa ko sa kanya. Siya na lagi ang naghahatid sa mga bata sa school. Hangga't maaari, hindi ako nakikipag-usap sa kanya sa umaga. Mukhang napapansin niya iyon dahil napapatingin siya sa akin. Napansin na nga rin ni Sam pero sumimangot lang siya, isa rin 'yon. Gustong gusto niya rin na magkabalikan kami ni Rome. Sam is with us for almost six years. Mommy hired her para may katulong kami sa bahay at sa pag-aalaga sa triplets dahil dati ay busy din si Rome sa trabaho. Kaya no'ng naghiwalay kami ni Rome ay nasa sa akin talaga ang loyalty ng babaeng 'yon. Love na love ko 'yon. "Ate! Nagbigay pala ang Daddy ng triplets ng Sans Rival na cake kasi request daw no'ng tatlo." Napatigil ako sa pagtitipa nang marinig ang boses ni Sam mula sa likuran. Bitbit niya ang isang box ng cake. Nasa living area ako ng bahay at busy sa pagbuo ng chapters ng mga balak kong ilabas na libro. Sa mga nakaraang araw ay nasa bahay lang ako, pumupunta na lang ako sa printing house kapag kailangan at ipinapatawag ni Monti. "Oh? Ipina-deliver niya? Ang takaw ng tatlo—" "Hi," Tumaas ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na boses. Sa paglingon sa likuran ni Sam ay nakita ko si Rome na nakasuot ng uniform niya. Hindi ko alam kung pumasok na ba 'to o papasok pa lang, eh. Nakita ko naman ang pagngisi ni Sam kaya sinenyasan ko na siya na umalis na. Isa rin 'tong babae na 'to sinabihan ko na siyang ipaalam sa akin kapag darating na ang lalaking 'to! Halatang pinagtitripan ako! "Do you need something?" I asked him in a casual tone. Hindi ko siya magawang tingnan kaya bumaling ako sa may laptop at may kinalikot. I minimize the google docs and nagpunta na lang sa website ko. I don't want him to see me writing, baka mainis lang ako. My plan on being a writer is the one that I dreamt with him. "Ah, wala naman. Inihatid ko lang 'yong pinapabili ng triplets." Hindi ko siya nilingon at tumango na lang na para bang kaharap ko lang siya. Sa mga nakaraang araw ay may nagbago rin sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang ba nakapansin or guni-guni ko lang talaga. The way he talked to me is so soft. Parang katulad lang din no'ng dati. Napansin ko lang naman. Hindi ko na lalagyan ng malisya. I'm working on loving myself more para mas mabilis akong makamove on sa kanya. That is the main goal, I'm working on that right now. Masyado akong dumepende sa kanya when I was with him. Dahil sobrang laki ng television na nasa harap namin ay kitang-kita ko ang reflection niya sa tv. Napatay naman kasi iyon. He was just standing there looking at me. "Do you need anything else?" tanong ko pa habang patuloy sa ginagawa. "If you want something you can tell Sam or get it by yourself." "Uh, wala naman na. I just want to tell you na keep on writing. I got a chance to read your new release and I was amaze by it. It's painfully beautiful." "Thank you." "Birthday pala ni Irish sa sabado. Pwede ba kayong pumunta?" Tanga ba 'to? Isasama talaga ako? "Bring the triplets with you and si Sam na lang. Ipapadala ko na lang kay Rhysander 'yong gift ko. I'm sorry, busy ako." And duh, hindi talaga ako pupunta! Ex-wife tapos current girlfriend andoon. Ano na lang 'yan? Reunion? Baka andoon pa ang mga parents nila at magulat sa akin. Speaking of parents, for years, Mama lang ni Rome ang kilala ko. Bilang lang nga sa kamay ko kung ilang beses ko 'yong nakita. Ang lagi niyang sinasabi sa akin ay busy. Tulad nga ng sabi ko, hindi ko pa talaga siya kilala. Tanga ko 'di ba? Nagpakasal ako sa lalaking 'di ko man lang inusisa na talaga. Masyado akong nabulag sa pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko na rin nagawang magtanong kela Daddy kasi nagkatampuhan kami no'n at alam kong marami silang alam. Hindi na nagsalita si Rome at narinig ko siyang tinawag ni Sam para magkape. Nakarinig naman ako ng yabag tanda na sumunod talaga siya. Dahil nasa bahay lang ako ng ilang araw ay naisipan namin na doon muna kela Mommy tumuloy, namimiss na rin kasi nila ang triplets. Nakikita ko rin ang mga kapatid kong busy. My ate is too busy kaya hindi nagtatagal ang pag-uusap namin. Si Kuya 'di talaga ako pinapansin, hindi ko alam kung hanggang kailan ang tampo niya sa akin. Baka hanggang kabilang buhay ay dalhin niya 'yon, grabe siya! "Jusko, Emma! Samahan mo ako mamaya at magdidilig tayo ng mga alaga ko! Isama mo na rin si Kikay!" "Mommy, kay Daddy ka na lang magpadilig. Ay! nadiligan ka na pala kagabi— aaaah!" Hindi ko na natatapos ang sasabihin nang pingutin ni Mommy ang tainga ko. Napatayo ako sa sofa at napahawak sa tainga. "Aray ko," iyak ko at pumadyak pa. "Ikaw talagang bata ka!" Pinalo pa ako nito sa balakang. "Masamang nakikinig sa ganyan! Diyos ko po!" Napanguso ako at bumalik sa pagkaka-upo. "Mommy! Paanong hindi ko maririnig? Nakabukas ang pintuan at ang lakas ng ungol mo!" Bago pa ako mahablot ni Mommy ay mabilis akong lumipat sa dulo ng sofa. Malaki at mahaba ang sofa namin kaya tama lang ang ginawa mo. Akala ko ay makakaupo ako pero sa carpet tumama ang pwet ko. Naitukod ko sa magkabilang gilid ang kamay. Mabilis na napunta si Mommy sa pwesto ko at hinampas ako ng unan. "Edi dapat hindi ka nakinig! Ikaw talaga!" Wala na akong nagawa kundi ang mapahiga ng tuluyan sa carpet. I spread my arms like a wings saka nagpapadyak. God, I miss our house, I miss this calming place! Nainis si Mommy sa inasta at itinapon sa mukha ko ang maliit na unan na nakuha niya sa sofa. Natawa na lang ako at nanatili sa pwesto. Nakarinig kami ng yabag pero hindi pa rin ako umaalis sa pwesto pagtingin ko sa harapan ay nakita ko si Daddy at Rome na magkasama! Bakit andito 'yang lalaki na 'yan? Saan siya pumasok? Hindi ko naman siya nakita kanina ha? Nakakunot ang noo ni Rome na nakatingin sa akin, ganoon din si Daddy. "Why are you like that Nikita Amber?" Daddy asked. Napairap ako dahil parehas sila ni Rome na lagi na akong tinatawag sa full name ko, at hindi ko alam kung bakit ang lapit nilang dalawa ngayon! Hindi naman sila naging ganito ulit kalapit dati simula no'ng maging mag-asawa kami! Anong nangyayari? "Don't mind your daughter, pinagalitan ko kasi kaya ayan, nagdabog." "Mommy!" sigaw ko. "Nikita Amber, you're acting again like a kid." Napatakip ako ng unan sa mukha at hindi na sila pinansin. Ayoko ring makita ang mukha ni Rome. "Aalis na ba kayo?" Mommy asked. "Yes po, Madam. I'll be his driver for today." "How about bodyguards? May kasama naman kayo?" "Yes, for safety po." Naiangat ko ng kaunti ang unan ang sumilip sa kanila. Nakita kong nakatingin sa akin si Rome pero umirap lang ako. Para saan kaya ang pinag-uusapan nila? "Okay, keep safe hon." "Of course, I will." Daddy looked at me. "Alagaan mo na 'yang anak mong may saltik." Nanlaki ang mata ko sa narinig at napabangon. "Daddy!" Anong saltik?! Nailing si Daddy and kissed Mommy's cheek. Yumuko rin si Rome at muling bumaling sa akin bago sila nawala sa harapan namin ni Mommy. "Mommy, what is happening?" takang tanong ko. "They're not like this unless something is happening. Is Rome back for being a private bodyguard?" Napalingon si Mommy sa akin at nailing. Akmang maglalakad na siya kaso napigilan ko siya. Curiosity is also killing me for the past days at alam kong sila lang ang makakasagot no'n. I know that I'm in the process of moving on, but there's something in me that's pushing me to ask questions to satisfy my curiosity. Lalo na ngayon na napansin kong nagkakalapit na naman si Rome at Daddy. Bakit kung kailan hiwalay na kami? At saka 'yong naging pag-uusap nila sa gazebo. Ngayon ko lang sila nadatnan na gano'n. Pakiramdam ko marami silang itinatago sa akin. Nagsisimula na naman akong mainis. "Is Rome... Is Rome hiding something from me? Eh, how about Daddy? Pakiramdam ko kasi meron." Mommy caress my shoulder. "Guni-guni mo lang 'yon." "Why Rome is always with Daddy?" "Your father is running for senator again." I tsked. "He's old. He should be resting na dapat." Nailing si Mommy. "Nasabi ko na 'yan sa kanya. Kaso makulit din, parang ikaw." Napapadyak ako sa inis at nailing na lang si Mommy habang lumalayo sa akin. Tinatanaw ko lang siya habang umaakyat sa may hagdan. Lagi na lang ako! Ako na naman ang nakita! Pinagkrus ko ang aking mga braso at naupo muli sa sofa. Ilang minuto akong natulala hanggang sa naisipan kong pumunta sa unit na ibinigay niya. Hindi ko alam pero doon ko naisipan na pumunta. Maaga pa naman at nasa school pa ang mga bata. Ako naman ang magsusundo sa kanila. Pumasok ako sa isang kwarto kung saan doon kami natutulog dalawa. Agad akong nagtungo sa may walk-in closet at dumapo ang mata ko sa brown na box. Kinuha ko iyon at umupo sa may pabilog na leather couch na nasa gitna ng walk in closet, binuksan ko 'yon. Tumambad sa akin ang mga envelope na may lamang sulat. Dahil I love writing nga, nadala ko 'yon hanggang sa naging mag-asawa kami ni Rome. Every month, I'll always give him a letter containing what I feel for the whole month that I'm with him. Hindi naman mahabang mahaba ang nilalaman. Nasa five to fifteen sentences gano'n, pero minsan hindi ko mapigilan ang sarili at sobrang humahaba talaga. It's my way of saying I'm thankful that I married him. It's my way of saying thank you for taking care of me and of our twins. If could just rewrite our story, gagawin ko. Irerevise ko pa nga. For the past years, na-iimagine ko kung ano ang ideal first meeting ko with Rome and what would be my life with him kung hindi 'to nangyari. That was a perfect one, at mukhang hindi ata mangyayari 'yon. Inilapag ko ang mga envelope at nahawakan ng mga kamay ko ang photos naming nabuntis ako hanggang sa makapanganak ako. He's my photographer, he captured every moments within our relationship. Hanggang sa lumaki ang mga bata ay meron. Kinuha ko ang phone ko at kumuha ako ng litrato at pinicture-an iyon. Gusto ko lang ilagay sa i********: story ko, nakakamiss lang kasi. Lagpas isang oras pa ang itinagal ko sa loob hanggang sa maisipan ko nang bumalik sa bahay nila Mommy. Pagdating ko ay tahimik, nagtanong pa ako sa maid kung nasaan si Mommy, ang sabi no'ng isa ay nakita niya raw na umakyat sa itaas kaya napagpasyahan ko ring umakyat. Pagdating sa tapat ng kwarto niya ay nakita kong nakabukas ang pintuan. Akmang hahawakan ko ang knob nang makarinig ako ng nagsasalita. "Nakarating na kayo?" Mommy asked. Gumilid ako at lumapit pa para mas marinig ko. "Umalis lang si Nikita, nagpaalam kanina at babalik din. May pupuntahan lang daw siya." Mommy stopped para pakinggan ang nasa kabilang linya. Hindi ko naman marinig ang kausap niya dahil hindi iyon nakaloud speaker! "Let me talk to him, hon." Si Daddy! Si Daddy ang kausap niya. Kung si Daddy lang naman, why do I feel like there's something wrong? I just had a bad feeling about them. Pakiramdam ko talaga may tinatago sila. "Rome, iho. How are you? are you okay?" Why is she asking that? Akala ko ba si Daddy ang dapat bantayan. Bakit parang kay Rome pa nag-aalala si Mommy? Eh, nagkausap naman sila kanina. Anong meron? "That's good. Saglit lang naman 'yan alam ko. Don't be scared, andiyan naman ang asawa ko kasama mo." "You're welcome, iho. Basta magpahinga ka, si Roman na ang bahala sa lahat. Just talk to him about focusing on what he's doing right now. Alam mo na," Mommy laughed. "Roman is Roman, flirty, and please not my daughter. He's already yours, right? Always remember that." Marami pang sinabi si Mommy pero wala nang nag-sink in sa akin. Sa lakas ng kabod ng dibdib ko ay mabilis akong umalis doon at nagpunta sa kwarto ko. Mabilis kong isinara ang pintuan at napahawak sa dibdib ko. Damn it, what was that? Baka nakakalimutan ni Mommy na wala na kami. Hindi na akin si Rome, matagal na. He's not mine anymore! And who the hell is Roman? Why am I being associate with him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD