Twelve

1753 Words
Nikita's Point of View Dahil nagtalo na naman kami ni Rome kahapon, akala ko buong gabi na naman akong galit, hindi nangyari. Pagkatapos ko umalis doon sa baba ay umakyat ako sa itaas at pumunta sa kwarto kung saan paniguradong natutulog ang triplets. I was watching them sleeping peacefully. Hindi ko nga rin namalayan na andoon na rin si Rome at pinapanuod kami. Walang nagsasalita sa amin, tahimik kong pinapanuod ang tatlo, ganoon din siya. Last night, I felt again the calmness na naramdaman ko when I was with Rome before. Tumagal iyon at feeling ko isang oras din. Mommy told him na rito siya matutulog, dapat sa guest room siya pero sabi ko huwag na. Doon na lang siya matulog sa tabi ng mga bata at doon ako sa dati kong kwarto. Nang lumalim na ang gabi ay naisipan ko naman sila na panuorin na natutulog. Hindi kasi ako makatulog. Panakaw pa akong humalik sa noo ni Rome. May nagtulak sa sarili ko na gawin 'yon, at 'di na ako nagdalawang isip na ituloy. 'Cause even after all the pain, I'm still missing him and my heart is still with him. And hindi ko alam kung bakit, but I saw a tear fell on his eyes and I wiped it with my own fingers. Tahimik akong umiyak pagkatapos at nadatnan ako ni Mommy sa ganoong sitwasyon. "Let's sleep, anak. It's been a long night for you. Take a rest, please." Malambing ang boses na sambit ni Mommy sa akin at hinawakan ako sa balikat. Hinalikan ko ang mga bata at sumama na kay Mommy. Sinamahan ako ni Mommy na matulog sa kwarto and when I woke up in the morning, katabi na ni Mommy si Daddy. Siguro nagising siya na wala na si Mommy sa tabi niya kaya hinanap niya at dinala siya ng paa niya sa tabi namin. Sabay-sabay na kaming nagising. Daddy whispered I love you to me kaya nagtagal kami sa kwarto. "I'm sorry, Dad." I whispered to him, sobbing. Hindi ko na naman napigilan ang sarili. "I'm sorry kung naging pasaway at makulit ako no'n. Kung hindi ako nakikinig. I'm sorry kung hindi ko nagawa 'yong mga gusto niyo para sa akin. Kung naging sakit ako sa u-ulo." Napatakip si Mommy sa bibig nang makita ako na umiiyak. Nakaupo kaming tatlo sa kama at nasa gitna ako. Daddy is touching my hair. I've been silent for years dahil nahihiya ako sa kanila. Hindi kami nagkaroon ng anumang masinsinang pag-uusap sa lahat-lahat ng mga nangyari. "I've regrets for not listening..." "Tell me, Nikita Amber. Do you have regrets for having the triplets?" Hindi ko alam kung bakit ako tinanong ni Daddy no'n. Nailing ako. "Pagdating sa mga bata, wala po. I love Rome and hindi ako nagsisi sa triplets. They were the fruit of my genuine love for him. Nahihirapan lang po ako kasi sobrang sakit, naaawa ako sa mga bata. Ang babata pa nila, hindi dapat ganito. Hindi nga sila nasasaktan physically pero emotionally naman. Biglaan po lahat, eh. Masaya naman kami ni Rome tapos biglang umabot sa ganito. Alam kong may rason pa siya, ramdam ko pero ayoko na." "I-If he still have reasons, would you listen to him?" Daddy asked. I wiped my tears and shook my head. "Tama na po. What he'd told me before was enough. Hindi na po ako hihiling ng iba, this time I will let him go for real. Kung no'ng una may hopes pa ako, ngayon wala na talaga." Daddy pulled me closer to him, kaya napasubsob ako sa dibdib niya at yumakap ako sa bewang niya. I felt Mommy also hug me. Nagtagal kami sa gano'ng posisyon hanggang sa napagpasyahan na naming bumaba. Pero bago 'yon ay naligo na rin ako at nag-ayos para sa pagpasok. Sa hagdan pa lang ay tawanan na ang bumungad sa amin. Nadatnan namin sila Rome at ang triplets. Nakasuot na sila ng pants at sando nila, ready na for school. Si Rush ay nasa harap ni Rome at mukhang sinusuklayan ito. Si Rhys at Rocco ay nasa magkabilang gilid ni Rome at nakatingin kay Rush. Mukhang may ginagawa si Rome sa buhok ni Rush kaya nagtatawanan sila. Tumikhim si Mommy kaya napatingin sila sa amin. Hindi ko muna sila pinansin at sumunod kay Daddy na dumiretso sa may dining area. Naupo agad ako sa upuan. Naghahanda na ang mga maids, may mga pagkain na rin sa mesa. "Good morning, Lola!" Narinig namin ni Daddy na sigaw no'ng triplets. Daddy looked at me. "Just talk to them, Nikita Amber." Tumango ako. Medyo nagtatampo nga ako sa mga triplets pero mawawala rin 'to kapag sinuyo nila ako. Kung susuyuin! Eh, ang arte pa naman ng mga 'yon, manang mana sa pinagmanahan! Kumunot ang noo ko nang hindi ko na narinig ang boses ng mga bata. Hindi ko rin naman na masilip dahil malayo na kami sa living area. "Good morning, sir." Napainom ako ng tubig nang marinig ang boses ni Rome. Nginitian at binati siya ni Daddy saka sinenyasan na maupo na. Rome looked at me then smiled a bit. "Good morning," aniya. I just nod at him. Nakarinig kami ng yabag kaya napaayos ako ng upo. Tumabi si Mommy kay Daddy. Ibinaba ko ang baso at nanlaki ang mata ko nang mah yumakap sa akin. "We're sorry, Mama!" they said in unison. Bakas ang sinseridad sa boses nila kaya napangiti ako. Grabe pa ang pagkakayakap nila sa akin. Pilit kong iniangat ang dalawa kong braso para gantihan sila ng yakap. Narinig ko ang pagsinghot ni Rush kaya bahagya akong natawa. Naiiyak siya kasi siya ang bumingo sa akin kahapon. Nagi-guilty siguro siya sa nagawa niya. Humiwalay silang tatlo sa akin, nakita kong umupo na si Rome sa tabi ng Daddy niya. Si Rocco naman ay sa tabi ko. Bale magkatapat kami ni Rome, katabi niya si Mommy. Nasa dulo na gitna naman si Daddy. Si Rush na lang ang nakatayo sa gilid ko. Natawa ako kasi iyong buhok niya ay parang bunot ang style. Mas umiyak ito kaya napuno ng tawanan ang dining area. "I love you, baby. You're so gwapo with that hair," paglalambing ko rito. Inabutan ako ni Mommy ng tissue kaya kinuha ko 'yon at pinunasan ang mga mata ni Rush. "Don't you do that again, okay? Huwag mo na ulit sisigawan si Mama. Gusto mo ba na umiyak na lang lagi si Mama kapag sumisigaw ka?" Nailing siya at yumakap sa leeg ko. "I'm sorry, Mama. I love you po, love ka po ni Rush sobra. Hindi ko na po uulitin. Sorry for being bad yesterday." Inalo ko muna siya saglit at nang kumalma ay pinaupo na sa kabila ko. Rhysander lead the prayer and after that we proceed eating na. Si Rome na ang naglagay ng pagkain ng triplets but I helped him dahil nakita ko ang ibang titig ni Mommy sa akin. "Mama, sasama ka sa paghatid sa school?" Rocco asked. "Yes po, after that, papasok na si Mama." Bigla namang nagsalita si Mommy. "Pahatid ka na rin kay Rome. Alam ko 9am pa ang shift niya. Right, Rome?" Bago pa makapagsalita si Rome ay inunahan ko na siya. "My boss, Monti, will fetch me sa school po. Ihahatid niya rin kasi 'yong pamangkin niya na classmate nitong triplets. Ah, sabay na po kami papasok sa Avila." Umawang ang labi ni Rome at napakurap. Halatang nagulat sa sinabi ko. Si Rhys na katabi ni Rome ay napatitig sa akin kaya ngumiti ako. Hindi ko na nagawang titigan si Rome. "May gusto ba kayong ipadala kay Mama kapag umuwi ako mamaya? Like sweets or any food?" "Me po! I want mamon, Mama!" Rush exclaimed. Si Rocco at Rhys naman ay umiling. Rush looled at me smiling then spoke. "Mama, can Daddy join our dinner later? I want him sa bahay! Please, Mama!" As a promise to myself to start moving forward. Inalis ko ang ilang at galit ngayon. I look at Rome with smile on my face. "Can you come?" I asked him. Mabilis siyang tumango. "Sure, maaga na lang ako mag-out." Natuwa ang tatlo at pumalakpak pa. Sinuway na kami ni Mommy para magpatuloy sa pagkain na ginawa naman namin. Habang nasa byahe papunta sa school ay nakikinig lang kami ni Rome sa ingay ng tatlo. Nagkukwentuhan ata sila tungkol sa mga classmate nila at sa subjects. Nakakatuwa dahil kahit makulit ay matalino naman sa klase. Muli akong tumingin sa phone para tingnan ang oras. Maaga pa naman. Napatingin na lang ako sa daan at tahimik. Kanina ko pa rin napapansin ang pagsulyap ni Rome sa akin. Hindi ko na lang din pinapansin. Ganito rin naman ang routine namin kapag sasama ako sa paghatid sa mga bata. "May gusto ka bang ipadala sa akin mamaya sa dinner?" Saglit akong napatingin sa kanya nang magsalita siya. Nailing naman ako. "Huwag na. Just bring yourself," sambit ko. Hindi ko naman narinig ang nagsalita siya. Hanggang sa makarating sa school ay tahimik kami. Wala namang kaso 'yon. Nang pumasok na ang mga bata sa loob ay nagpaiwan na ako kay Rome. Umandar na ang kotse niya at hindi ko na sinundan iyon ng tingin. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Monti kasama si Addie at may nakasunod pa na isang kotse saka bumaba ang guards. Addie say hi to me and bid her goodbye to Rome. Nang tanawin namin ito papasok ay lumingon siya sa mga guard at sinabihan ito na mauna na. Pinanuod namin na umalis ang mga ito. Monti faced me and gave me his sweetest smile. "Good morning, Amber. You looked so beautiful today," aniya. Natawa ako at sinipat siya. "Magandang umaga. Ikaw rin, boss, ang gwapo mo ngayon." Itinaas ko ang index finger ko at tinuro ang bulto ng tao na kanina pa nakatingin sa amin. "See those people? Kanina pa sila nakatingin sa iyo. Mukhang pinaganda mo ang umaga nila." Napakamot siya sa batok kaya mas natawa ako. Hinila na niya ako papasok sa kotse niya habang tumatawa pa rin ako. "Don't laugh at me!" aniya. "Sorry," pigil-tawa kong sambit. Pinaandar muli ni Monti ang kotse niya at nagsimula na siyang magmaneho. Napatingin ako sa harapan at kumunot ang noo nang matanaw ang pamilyar na kotse na nakapark sa gilid. Nang madaanan namin 'yon ay mas nagtaka ako. Kotse ni Rome iyon, sinakyan namin kanina! "Let's eat breakfast first." Napatingin ako kay Monti at ngumiti. "Sure!" Natahimik na ako at tiningnan na lang sa side mirror ang nakaparadang kotse. Why he's still here?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD