Nikita's Point of View Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko dahil ang lamyos ng boses niya. Hindi bagay! Hindi convincing! Kung umaarte man siya, ang panget! Hindi siya pwedeng mag-artista! "Pag-usapan ang alin?" Nakataas ang kilay kong tanong. He let out a heavy sigh. "About... About what happened in the past," he answered in a very low voice. Napalunok ako at bumuntong hininga. Napatingin ako sa first floor at napansin na andoon ang mga kasama niya kanina pero abala sa kani-kanilang pag-uusap. Napansin kong napatingin sa pwesto namin si Kuya at pinaningkitan niya ako ng mata. Kumindat ako rito at muling binalingan si Roman na nakakunot na ang noo. Napansin niya siguro ang pagkindat ko kay Kuya. "What the— hey!" he exclaimed when I pulled his gun belt na nakapalibot sa beywang ni

