Nikita's Point of View Sunod-sunod ang naging pagmumura ko sa isipan nang dambahin ni Rush si Roman. Napaupo na si Roman sa kama habang hawak-hawak sa beywang ang bata. Nanlaki ang mata niya pero kalaunan ay nawala iyon at lumamlam na. "D-Daddy, it's you..." Nakita ko kung paano yumakap si Rush sa leeg ni Roman, isinubsob din ang kanyang mukha sa leeg nito. Doble-doble ang kaba na nararamdaman ko kahit na wala naman dapat ipagalala! Hindi naman 'to si Rome. I saw Roman smiled and looked at me. He gave me a nod and mouthed 'it's okay'. Napatango na lang ako at lumapit sa kanila. Halos mapapikit ako nang marinig ang mahihinang hikbi ni Rush. Lumapit ako sa kanila. "Rush..." I called him. "Look at mama, please." Sa pangatlong ulit ay doon na siya humiwalay kay Roman at hinawakan ko '

