Nikita's Point of View
Naningkit ang mata ko nang makita si Rhys na kanina pa tahimik. Oo, tahimik ang panganay ko pero hindi naman 'yong ganito. Kanina niya pa ako hindi pinapansin at hindi ko alam kung bakit. Rocco and Rush were happily eating. Wala pala silang pasok ngayon dahil may homeroom meeting sa school nila. Si Rome ang maghahatid pero dahil makulit ang mga 'to ay pinilit ako ni Rocco na sumama.
Nagpaalam na lang ako kay Monti na after lunch na lang ako papasok at willing ako na mag-overtime kahit isa or dalawang oras lang. Marami rin kasing inaasikaso sa printing house tapos may mga kailangan pa akong pirmahan na copies ko.
"Mama ang likot ni Rocco kagabi," sumbong ni Rush.
"Ikaw nga 'yon! Para kang si Daddy matulog!" bawi naman ni Rocco.
Sumimangot si Rush at napatingin sa akin. "Mama, miss ko na katabi mag-sleep si Daddy kahit malikot siya. He will always hug me tapos when we woke up nasa likod na niya nakahiga si Rocco!" Tumawa pa ito at sinundot ang balikat ni Rocco.
"A king size bed is not enough for us. Daddy is like a worm at night, same as you, hindi ako! King size bed is still small," Rocco said happily.
"I want to sleep at Daddy's house but andoon ang girlfriend niya! I don't like her but mama, she's so beautiful pala when I saw her without a make-up!"
Napasinghap naman ako sa narinig. "What? So, sino ang mas maganda? Ako o ang Tita Irish niyo?" tanong ko sa dalawa. Rhys just eating quietly kaya nabobother ako.
"Ikaw po..."
"Ayun naman pala—"
"Kapag may make-up!"
Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Pakiramdam ko ay tumuwid ang kulot kong buhok. Bwiset na mga bata 'to manang mana sa tatay nila!
"Alam niyo, bilisan niyo na kumain para maihatid ko na kayo sa tatay niyo dahil simula ngayon ay doon na kayo titira!"
Nanlaki ang mga no'ng dalawa at kalaunan ay sunod-sunod na nailing sa sinabi ko.
"Hmp! Ayaw namin!"
"Ayoko mama! Si Ate Sam na lang!"
Ako naman ang nanlaki ang mata. "Anong si Sam? Nasa sa akin ang loyalty no'n! Aawayin ko muna ang Daddy niyo bago mapunta si Sam sa kanya! Sa pag-ire ko sa inyo si Sam ang kasama ko! No'ng tumatae kayong tatlo siya rin minsan ang tagahugas ng pwet at itlog niyo!"
Ngumuso naman si Rocco. "Mama, lagi mo na lang inaaway si Daddy!"
"Kaya nga po, dapat love mo siya kasi Daddy namin siya at love ka niya! Parehas kaming tatlo pogi at matalino... at mayaman!"
Baka mayabang!
Tinitigan ko ang dalawa sa mata. "Alam niyo, kayo lang ang love ni Daddy niyo. Hindi ako love no'n, okay? Lagi niyong tatandaan na si Tita Irish niyo ang talagang love ni Daddy niyo."
"But Daddy namin siya!" Rush exclaimed.
"Oo nga, Daddy niyo siya."
"Eh, bakit may Tita Irish? Dapat ikaw lang kasi ikaw lang ang Mama namin. Love mo dapat si Daddy at love ka niya." Rocco said.
Umawang ang labi ko at bumuntong-hininga. Inabot ko ang buhok nilang dalawa at ginulo. "May mga bagay na hindi niyo pa naiintindihan sa ngayon. Hindi kami pwede magsama ng Daddy niyo kasi may Tita Irish siya. Kayo ang love ni Daddy niyo. Basta love niya kayo, okay na 'yon. Maging mabait kayo kay Tita Irish niyo kasi nakita niyo naman na mabait siya sa inyo 'di ba? Minsan binibigyan niya kayo ng gifts and foods. Basta ako ang Mama niyo, si Rome ang Daddy niyo at si Tita Irish ang love ni Daddy niyo. Sa susunod, maiintindihan niyo rin 'to."
Mas sumimangot ang dalawa at nagpatuloy na sa pagkain. Naunang natapos si Rush at nagpaalam na maliligo na. Ilang minuto ang lumipas ay sumunod na ang dalawa. Hinugasan ko muna ang mga pinggan saka nilinis ang mesa. Naglinis na rin ako ng kusina. Wala si Sam kasi inutusan ko sa grocery store.
Rhysander is the smartest one sa tatlo. Alam kong nakukuha na niya kung bakit ganito ang set-up namin ni Rome at kung bakit may Irish na nag-eexist.
Matapos maglinis ay agad kong nadatnan si Rhysander sa sala at doon siya nagbibihis. Agad ko siyang nilapitan at kinuha ang sinturon ng suot niyang pantalon at naupo sa sofa. Halatang nagulat siya pagkakita sa akin.
Matamis ko siyang nginitian at pinalapit sa akin. "Let Mama put this on you, Rhys. Come here," sambit ko sa malambing na tono.
Ginawa naman niya ang sinabi ko at nakangiti kong nilagay ang belt. "Bakit ang tahimik mo ngayon? May problema ba ikaw o tayo? You can share it with Mama naman, 'di ba?" sabi ko sa kanya.
Kahit na ganito, I want my child to be open with their thoughts or problems. Kahit pa na tungkol sa amin 'yan ni Rome. Ayokong kimkimin nila ng matagal. Andito naman ako at makikinig. Ako ang ina nila.
Hinawakan ni Rhys ang dulo ng shirt niya at nakayuko lang. Pinapanuod ang paglalagay ko ng belt niya.
"Rhys..." I called his name. Itinigil ko muna ang paglalagay ay humawak sa magkabilang braso niya. Sa pag-angat ko ng tingin sa kanya ay nakita ko ang malungkot niyang itsura. Napalunok ako dahil ngayon ko lang nakita na ganito ito.
"I woke up last night in the middle of your talk with D-Daddy," aniya.
Umawang ang labi ko at napalunok. Narinig niya ba lahat-lahat?
"He doesn't love you, Mama..." mahina niyang sambit.
Mapait akong napangiti at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "It's complicated, Rhysander. But always remember na kahit anong mangyari love kayo ni mama, okay? And gagawin naman lahat ni Rome para maging mabuting Daddy sa inyo kahit na hindi niya ako love."
"But we want a happy family with you and with our Daddy," he whispered. "Mama... I don't want another girl to be with Daddy, gusto namin ikaw lang."
God, this is what I'm talking about.
"Mama please talk to Daddy," he said pleading.
Nanubig ang mata ko at hinila ang mukha ni Rhysander para halikan sa noo niya ng ilang beses. Hindi ko na siya sinagot at pinagpatuloy na lang ang paglalagay ng belt niya. Buti na lang at hindi na siya nangulit. He even said sorry at naiintindihan naman niya kahit papaano.
I'm sorry because I can't do that anymore, ayokong pilitin pa ang sarili ko sa kanya. Ayokong bumaba para lang mapagbigyan ang gusto nila. Minsan na akong sumubok at sobrang sakit ng kinalabasan. Rome and I already talked at nakita kong totoo siya sa mga sinasabi niya na kailanman hindi naging ako. Tanggap ko pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko babaunin ang mga sugat. Mahihirapan ako pero sisikapin ko na maalis sa sitwasyon na 'to.
Darating din 'yon.
Nang matapos ako kay Rhys ay agad kong nakita si Sam at sinabing nakita niya sa labas si Rome kaya pinapasok na niya. He's in police uniform but 'yong jacket coat lang and white shirt ang inner, not the fully attire na nakikita ko noon. Mommy told me na sa station na siya nakadestino at hindi na siya nabigyan ng personal na tasks like ng ginagawa niya dati kay Daddy at sa akin. More on cases na lang daw siya.
Umakyat muna ako sa taas at saktong tapos na ang mga bata kaya sinabi ko na nasa baba na ang Daddy nila. Masyadong natuwa sa sinabi ko at ayon sumisigaw sa pagbaba nila. Napailing na lang ako at ako naman ang nag-ayos. I just wore a beige a-line skirt and black puff sleeves top. Itinali ko na lang din ang mahaba at kulot kong buhok. Kaunting make-up na lang din and ready to go na.
Sa pagbaba ay nakita kong nakaupo si Rocco and Rush sa magkabilang hita ni Rome, habang si Rhys naman ay nasa tabi at nagsusuklay ng kanyang buhok.
"Mama! Ang gwapo ni Daddy sa uniform niya!"
Umikot ang mata ko. Ayoko makitang maapektuhan ako sa suot niya. Ang kapal ng mukha magsuot ng ganyan! Eh, alam naman niyang siya na nakasuot ng uniform ang kahinaan ko! Kapag inaalala ko dati na minsan ko siyang inaya na suotin ang uniform niya bago ang harutan namin sa kama ay nasusuka ako! Ang harot-harot ko! Pasensya na ha! Eto lang ako, eh. Marupok at minsan maharot pagdating kay Rome!
"Mama! Ang gwapo ni Daddy 'di ba? Mukhang kikiligin ang ibang girls sa school pero sorry sila dahil may Mama na kami!"
Nakita ko ang pagtawa ni Sam sa gilid habang abala sa pag-aayos ng pinamili niya. Umismid naman ako. "Ang panget kaya, nasira na ang araw ko dahil nakita ko 'yang panget na Daddy—"
"No, Mama! Hindi panget si Daddy! Siya ang pinakagwapo na Daddy!"
"Agree! Agree!"
"See? Hindi naniniwala ang mga bata na panget ako, Nikita Amber. I'm one of the hottest in our station," mayabang na sambit nito.
Napasinghap naman ako at sinipat siya na may pandidiri sa mukha. "Hah! In your dreams, panget ka kasi makita pa lang kita nasusuka na ako! Bumabaliktad na agad ang sikmura ko!"
"Ano raw, Kuya?" sabi ni Rush kay Rocco. Nagkibit-balikat naman ang kapatid niya kaya natawa si Rhysander at Sam.
"It's the butterflies in your stomach, Nikita."
"Mukha mo butterflies!"
"Just admit that I'm handsome and I have a great body to die for," nakangisi niyang sambit. "Kaya nga nakatatlo agad tayo!" dagdag niya.
Hindi na ako nakatiis at nahablot ko ang malabot na unan sa one seater na sofa at naihagis ko kay Rome. Napuno ang sala namin ng tili ng dalawa, mura ni Rome at pagsinghap ni Sam at Rhysander.
"Damn it!
"Mama!"
"Ouch! Mama naman, eh!
Mabilis akong lumapit sa tatlo dahil sapul ang dalawang bata na nakaupo sa hita ni Rome. Agad akong hinawakan ang ulo ng dalawa at hinalikan ito. "Sorry, baby. Nakalimutan ni mama andiyan pala kayo nakaupo. Malambot naman ang unan, eh."
Rush giggled. "Mama! Nasaktan din po head ni Daddy, kiss mo rin po siya."
"Oo nga po, kiss po kayo."
Nanlaki ang mata ko at napatayo ng tuwid. Napatingin ako kay Rome na may ngisi sa labi, may mapaglarong tingin.
Agad kong hinila ang kamay ni Rhys at hinablot ang bag nila na nasa sofa rin. "Tara na't umalis! Sam! Aalis na kami at may masamang hangin dito!"
"Nikita Amber, asawa ko, kiss!" natatawang sigaw ni Rome. Narinig ko rin ang pagtawa nila na mas kinainis ko. Bwiset talaga kahit kailan!
"Gago! Hiwalay na tayo! Ingudngod mo 'yang labi mo sa sahig!"