Nikita's Point of View
After sabihin ni Rome ang mga salitang 'yon ay parang tinusok na naman ng punyal ang dibdib ko. s**t siya, namumuro na talaga siya. Bago pa tumulo ang luha ko ay tinalikuran ko na siya at umakyat na sa taas. Si Sam na ang bahala sa baba. Siya naman ang nagsasara ng bahay kapag gabi. Siya na rin bahala kay Rome, hindi ko naman 'yon responsibilidad.
Agad akong dumiretso sa kwarto ng mga bata at inilapag muna sa sofa na andoon ang bag ko. Maayos at mahimbing ang tulog nilang tatlo sa iisang kama. Nakaangat pa ang kumot nilang transformer hanggang sa dibdib nila. Huminga ako ng malalim at mas nilapitan ang mga bata at hinalikan isa-isa sa kanilang noo.
As much I want to be with Rome again, hindi pwede. Isang beses ko lang siya na hinabol at kailanman ay hindi na 'yon mauulit. I know my worth... but there's a part of me wishing that world would turn around and same as his feelings for me. It hurts to know that he never loved me from the very beginning.
That maybe someday... he will love me.
Pero mukhang malabo, kung mangyayari man, sana no'n pa nangyari. Two years na ang lumipas kaya malabo na. Rome is a great father. Maliit pa lang ang mga bata ay kitang kita ko na kung paano niya 'to minahal at inalagaan. Hindi siya nagkulang, and I witness how became a perfect father. Doon pa lang wala na ako masabi. He nailed it.
But as a husband to me, ayoko na lang mag-talk. Basta ako ang nag-iinitiate lahat. Sadyang minahal ko siya kaya 'di ko napansin ang mga mali. Siguro naging masunurin lang talaga siya at pinagbibigyan ang mga gusto ko. Jusko, hindi ko man lang napansin na may mali na pala. Bwiset kasi 'yong abs ng kumag na 'yon. Halos lumuwa ang mata ko. s**t, bakit naman pati abs ng kumag na 'yon ay dinamay ko?
Nailing ako at tumayo. Sa pagpihit ng katawan ko ay tumambad sa akin si Rome na nasa may pintuan at nakatingin sa mga bata. Hindi ko muna siya pinansin, tiningnan ko ang alarm clock ng mga bata kung naka-set ba. Nang okay na ay kinuha ko ang bag ko sa sofa.
"Uuwi na rin ako mamaya. babalik na lang ako bukas. Titingnan ko lang saglit ang mga bata," paalam niya sa akin.
"Ikaw bahala," I replied at nilagpasan na siya.
Sa paglingon ko ay nakita kong pinagmamasdan niya ang galaw ko. Mukhang magtatagal pa talaga siya. Ganito naman siya lagi kapag pinupuntahan niya ang triplets. Hindi na lang ako nagrereklamo basta hindi ko lang siya makita ng matagal. Ayoko siyang nakikita ng matagal kasi naalala ko kung gaano ko siya minahal at kung paano ako nasaktan.
"What are you looking at?" tanong ko sa kanya.
Bumuka ang labi niya pero mabilis din na nagsara. Para bang pinipigilan ang sarili na ilabas ang gustong sabihin. Tinaas ko pa ang kilay ko para makumbinsi siya. Mukhang effective naman dahil muli siyang nagsalita.
"I'm not against of what you're doing right now. But please take care of yourself, Nikita Amber. And I hope that you'll find someone... na mas mamahalin ka."
"At hindi gagawin ang ginawa mo, tama ba?"
"I'm sorry."
I tsked. "Puro na lang sorry and please, don't wish for me to find that certain person kasi hindi naman ako naghahanap. Rhys, Rush and Rocco are enough. I don't want to experience another misery just like what you did to me, Rome. Kasi kahit anong gawin mo, hindi mo mapapawi 'yong mga sakit na dinala mo sa akin."
I give him a small smile. "Ayoko muna kasi nakakatakot, ang unfair ng mundo. Ikaw kasi masaya kasama si Irish tapos ako heto... nasasaktan pa rin. Buti na lang andiyan 'yong tatlo kahit na naiinis na ako kasi puro ikaw ang bukambibig nila. Wala naman akong magagawa kasi ikaw ang tatay. Gustong gusto na nga kitang palayasin sa mundo ko kaso may tatlong tutol."
Halatang nagulat siya sa huli kong sinabi pero totoo iyon. Hindi ko iyon babawiin, kung bawiin ko man kasi walang magbabago. Hindi magbabago 'yong katotohanan na hindi naman niya ako minahal. Wala naman akong laban kay Irish, she's a good woman. Siya ang mahal at mamahalin, naanakan at pinakisamahan lang naman ako.
"Pero sana una pa lang sinabi mo na sa akin agad. Sana sinabi mo na hanggang pag-ako lang sa responsibilidad para sa mga bata ang kaya mong gawin. Papayag naman ako, eh. Pakakawalan naman kita. Hindi 'yong pinaniwala mo ako na parehas tayo ng nararamdaman. Pinatagal mo pa ng anim na taon, Rome. Kinalaban ko pa sila Daddy para lang makasama ka. Halos itakwil na ako sa pamilya ko dahil sa mga nangyari noon."
Huminto ako para huminga nang malalim. Nakita ko ang malungkot na pagtitig niya sa akin. "Tapos ganito lang isusukli mo sa akin?"
"I-I got scared..."
Mahina akong natawa saka siya napayuko. "Natakot ka saan?" halos pabulong kong tanong, "Sa kung tutuusin wala ka dapat ikatakot kasi hindi ka naman pinilit dati na pakasalan ako 'di ba? My mom even asked you if you really want to marry me, if you really love me... and you answered yes without hesitation, Rome."
Napalingon siya sa loob ng kwarto at nakita kong hinilot niya ang bridge ng ilong niya. Muli siyang bumaling sa akin. "You love me so damn much. Sobrang naramdaman at nakita ko 'yon, and I got scared of what would be the outcome if I will rejected you. For the first months that you were with me, nasanay ka."
Umiwas ako ng tingin at humigpit ang hawak sa shoulder bag ko. Yes, I used to love and enjoy his presence because he became my tranquility in this chaotic place. He made me feel that everything will be alright if he'll always right by my side. With him, I feel like I'm good enough.
He become my home...
"That's it?"
He gave me a nod. "But swear, I've never cheated on you, Nikita Amber. I just lied about my feelings."
"And you're still proud of that?"
He gasped. "What?"
"Mukhang proud ka pa kasi sa ginawa mo sa akin, eh. Ang lakas ng loob mo gawin 'yon. Pasalamat ka kahit papaano may kaunting consideration at pasensya pa ako. Kundi baka pati si Irish, pinagbuntungan ko na ng galit."
His eye widened. "What the hell, Nikita? Huwag mong idadamay dito si Irish. Labas siya sa atin!"
I gritted my teeth. "Labas siya rito? Pero siya ang dahilan kung bakit nagawa mo sa akin 'yon! Kaya kahit anong sabihin mo, involved siya rito, Rome!"
Bigla niyang isinara ang pintuan ng triplets at humakbang ng kaunti sa akin. Kitang kita ko na ang pag-iiba ng aura niya sa mga sinabi ko.
"Ano? Magagalit ka sa akin? Totoo naman 'di ba? Kung hindi lang bumalik si Irish, hindi ka aalis. Mananatili ka pa rin kahit na kasinungalingan lang 'yang nararamdaman mo sa akin! Bumalik lang siya at nagkita lang kayo, bumaliktad na lahat! I-Iniwanan mo na ako!
"At sa kabila ng lahat, pilit kong nirerespeto na siya 'yong pinili mo. Wala naman kasi akong magagawa. Hindi... Hindi ka naman kasi babalik sa akin kahit anong gawin ko."
"M-Minahal naman kita."
"But not as much as you love her. Napilitan ka lang naman pakisamahan ako para sa mga bata. Walang pagmamahal do'n."
"I'm sorry, Nikita. Alam kong mahirap pero matututunan mo rin akong kalimutan. Hindi ngayon, pero darating 'yong araw na kahit pagbanggit ng pangalan ko ay hindi na masakit. Lahat ng sakit, mawawala na rin."
I held my chin high and gave him a nod. He's right, makalilimot din ako. Gagawin ko lahat para lang mabilis mangyari 'yon. Ayoko malugmok sa nararamdaman ko, sayang ang beauty ko.
"Of course, makakalimutan din kita at mawawala rin 'tong pagmamahal na 'to, and I can't wait for that day to happen."