Nikita's Point of View
Monti's husky voice sends shivers down to my spine, not because I'm frightened but owing to the fact that I'm getting excited. Damn it! The side of my lips rose as he let out a sexy chuckle again.
Dahil nakita ko naman kung paano gumalaw ang babae kanina ay nakuha ko ang dapat gawin. Sisimulan ko na sanang igalaw ang balakang ko nang mawala ang paa ko sa lupa at mas mapakapit ako sa kamay niyang nakapulupot sa bewang ko
"Oh my god! Monti naman, eh!" maktol ko at nalukot ang mukha.
Monti lifted me so easily, iwinawgayway ko ang mga paa sa ere at naiinis na ngumawa. Naramdaman kong tumalikod siya at nagsimulang maglakad pabalik sa pwesto namin.
Nakita kong nakaturo si Rihanna sa amin at bigla silang nagtawanan.
"I hate you," bulong ko kay Monti at kinuro ang braso niya.
Natawa naman siya. "This is better. Saka ka na lang sumayaw sa gitna kapag marunong ka na," aniya.
"Akala ko ba tuturuan mo ako?! May pa-let me teach you, let me teach you ka pa! Scammer ka naman pala!" Naiinis ko na sabi at mas winagayway ang paa ko. May muntik pa akong matamaan kaya iniwas ni Monti ang katawan ko. Humingi siya ng sorry sa babae.
"Calm down, okay? I'll teach you some other time, gusto mo bukas agad. Huwag lang ngayon, gusto ko nasa wisyo ka," aniya at tumawa ulit.
"Gusto ko ngayon!"
"No, Amber."
"Hmp! Scammer!" Pinagkrus ko na lang ang mga braso ko hanggang sa makarating kami sa kaninang pwesto. Ibinaba niya ako at pinaupo sa may upuan ko. Inabutan siya ni Kael ng tubig at inabot sa akin.
Hindi ko alam kung ilang oras pa ang tinagal namin hanggang sa pagpasyahan na nila Rihanna at Wendy umuwi. Monti never left my side hanggang sa makarating kami sa parking. Dapat lang! Siya ang mag-uuwi sa akin, eh. Sumuka nga muna ako kaya gumaan ang pakiramdam ko. Sa byahe ay nakaidlip ako at nagising na lang ako na nasa tapat na kami ng bahay.
Wala na si Monti sa driver's seat. Agad ko siyang nakita sa may harapan ng kotse niya, nakasandal at naninigarilyo. Kinuha ko ang shoulder bag ko at inayos ang sarili saka lumabas. Paubos na rin pala 'yong sigarilyo niya dahil saktong paglabas ko ay tinapon iyon ni Monti.
"Monti," I called his name.
Nilagay niya ang kamay sa bulsa at nginitian ako. Sinalubong pa niya ako kaya naglapit na ang pwesto namin. "You're awake," aniya. "Hindi muna kita ginising kasi mukhang masarap ang tulog mo."
Ngumiti naman ako at inangat ang kamay ko para i-tap ang balikat niya. "Thank you pala sa 'yo at sa mga friends mo. Nag-enjoy ako, sobra."
Napakamot naman ako sa leeg nang maalala ang kakulitan ko. Monti was just looking at me with amusement in his eyes.
"Uh, I'm sorry din kung naging makulit ako. Salamat talaga, Monti."
He gave me a nod and smiled. "I enjoyed too. Thank you for this night, Amber. And it's okay, at least alam ko na ang gagawin sa susunod na malalasing ka. I am gladly want to be your companion if you want to be drunk again. Just call me." Inangat niya pa ang isang kamay saka ginawa ang call sign.
Nalukot ang mukha ko at hinampas siya habang tawa naman siya ng tawa. Ang sama! Hindi naman ako lasing na lasing! Alam ko pa naman kahit papaano ang ginagawa ko. Sadyang makulit lang talaga ako!
"Ayoko na, hindi na ako iinom kasama ka. Nakakahiya kaya, ang kulit ko kasi! Tingnan mo si Rihanna, tawa nang tawa kanina. Feeling ko tuloy naging clown ako ngayong gabi."
Mas natawa siya kaya humaba ang nguso ko. Nakakainis! Masyado na silang natutuwa sa akin. Siguro nakatadhana talaga ako para maging clown o patawanin ang mga kakilala ko. Sana all talaga masaya! Sana all happy sa life!
"Basta ayoko na, hindi ka cooperative! Hindi mo ako tinuruan sumayaw. Siguro hindi ka rin maeunong kaya binuhat mo na lang ako pabalik sa pwesto natin. Dapat sinabi mo na lang para hindi ako umasa 'no!"
Nailing si Monti at tumaas ang kilay. Napatili ako nang hatakin niya ako at gawin na naman ang naging pwesto namin no'n.
"Okay, let's do it now."
"Monti! Paasa ka—"
"Nikita Amber."
"s**t!"
Napamura ako at dali-dali na napalayo kay Monti nang makita ang kumag na si Rome na mukhang
kanina pa nanunuod sa akin. Napunta na ako sa tabi ni Monti, narinig ko naman ang mahing tawa nito. Napatingin pa ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya! Napasapo ako sa noo na maalala na andito nga pala sa bahay ko ang lalaking 'to! Nakalimutan ko siya i-text kanina! Oh my gosh!
Napatingin ako kay Rome at nakitang wala itong emosyon sa mukha. Ano pa bang aasahan ko rito? Kahit ganyan ang mukha nito lagi naman 'tong nambabara at wala ring tabas ang bibig. Parang mga anak niya!
"Uuwi ka na?" diretso kong tanong.
Hindi naman siya sumagot at nakatingin lang sa akin. Umikot ang mata ko dahil ang talim ng titig niya kay Monti. Tumikhim si Monti at hinawakan ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya.
"Amber, I'll go now."
"Uh, sure! Salamat talaga, Monti."
He smiled and walked towards the driver seat. Nang buksan niya ang pintuan ay kumaway ako. "Ingat ka ha!" sambit ko.
He salute at me and nods. "Of course. Good night, Amber." He said then he entered his car.
Tahimik kong pinanuod ang kotse ni Monti na papalayo sa bahay ko. Nang 'di ko na matanaw ay humarap na ako at napansing nakatingin sa akin si Rome.
"I'm already here. Pwede ka na umuwi," sambit ko kay Rome.
"You didn't text me."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ah that... I forgot, napainom kasi ako kaya—"
"You did?"
When he asked that question, kumunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako but he speak again.
"You get drunk with that guy, Nikita Amber? This not you. Hindi ka naman umiinom—'
I gritted my teeth then cut him. "Shut it, Rome. This is my life and I can do whatever I want."
"Hinahanap ka ng mga anak natin!"
What the hell. Why is he shouting at me? Wala naman akong ginagawa! Wala siyang karapatan magalit ngayon! "Anak ko, Rome. Hanggang kailan ba kita itatama diyan sa mga sinasabi mo. Walang tayo. Pasensya na, pero ayoko talagang naririnig 'yang salitang natin mula sa 'yo."
I heard him sighed. "It's been two years, Nikita."
Natawa naman ako ng mapait. "I know. No need to remind me. Hindi naman ako tanga para hindi 'yon makalimutan." Tumingin ako sa bahay at napansin na sa bukas pa ang ilaw sa sala. "Tulog na sila?" pag-iiba ko ng usapan.
"Yeah, napatulog ko na. Bukas pupunta ako rito kasi may meeting daw pala—"
Pinutol ko ulit siya dahil naiirita ako kapag nagsasalita siya ng mahaba. The immature side of me is ticking again. It's just that, I'm still not comfortable when he's with me after our separation. Naaalala ko lang 'yong mga nangyari.
"Okay," sambit ko saka hindi na siya pinansin para pumasok sa loob.
Sa pagpasok ay nakasalubong ko si Sam na ginagalaw ang phone niya. "Welcome home, ate! Kumain ka na ba? May gusto ka ba? Kamusta naman ang gabi mo?" sunod-sunod niyang tanong.
"Busog pa ako. Maganda kanina ang gabi ko pero no'ng nakita ko ang kumag na 'yon ay nasira na. Nakalimutan ko siya i-text eh. Nag-enjoy pa ako kasama sila Monti."
Nakarinig ako ng yabag at hindi ko na pinansin. Alam ko naman na si Rome 'yon. Nanlaki ang mata ni Sam at kalaunan ay natawa. Umikot naman ang mata ko.
"But still, don't get drawn to liquor if hindi mo masyadong kilala ang mga kasama mo. Paano kung may mangyari sa 'yo?"
Naningkit ang mata ko at napalingon kay Rome ng bigla siyang magsalita. "Wow, concern." Bahagya pa akong natawa. "Is that a lie or what?"
"Nikita..." Mababa ang tono niyang sambit na para bang may hindi na naman akong sinabing maganda.
"You know what... Monti is a good guy, Rome. Walang mangyayaring masama sa akin kapag siya ang kasama ko. He would never hurt me or do such crazy things with me."
Hindi ko alam pero naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mata ko. s**t, mukhang magdadrama na naman ako. Ganito ba talaga kapag nakainom kahit kaunti?
"He's a great guy, Rome." Not like you.
Umawang ang labi niya ng kaunti. Sandaling natahimik ang paligid naming tatlo. Nakatingin lang kaming dalawa sa isa't isa. Parang may gusto sabihin pero hindi alam kung paano sisimulan. Rome is not very vocal with me, pinapadaan niya lang sa gawa.
Gusto ko malaman kung anong tingin niya kay Monti. Nakakainis dahil sa kabila ng lahat, gusto kong malaman kung nagseselos ba siya o hindi. Iyong pinapakita niya kanina ay iba. There's a aprt of me still wishing that his concerns are all true and deep, in a certain way like... love.
"You're right. He's s great guy, and you deserve someone like him," he said in a casual way.
Pero mukhang hanggang asa lang talaga ako.