Five

2386 Words
Nikita's Point of View Ilang beses ko nang nakita si Irish na kasama si Rome, dapat nga sanay na ako pero sa nakita ko kanina ay napagtanto ko na hindi ko pa rin kayang tanggapin. Never ko na atang matatanggap. Ang plastic at masokista ko sa mga nangyari. Ang lakas ng loob kong nginitian sila kahit sa loob-loob ko ay sobrang sakit na. Nginitian ko lang si Monti at tinanguan lang ako nito. Monti never asked questions about my relationship with Rome, pero sabi ko sa kanya ay kung may itatanong siya ay ayos lang naman, sasagutin ko kung kaya naman at hindi offending. Kahit tanungin niya ako kung kailan mawawala sa mundong ibabaw si Rome Donovan ay sasagutin ko agad kahit 'di naman mangyayari. Bwiset na kumag iyon. Harap-harapan talaga ang panggagago. It's another day for me of fighting the pain, again. Pinapamukha niya talaga sa akin na wala lang talaga ako para sa kanya. Kung artista lang ako, baka nabigyan na ako ng award for best actress. Kung marunong lang ako sa pag-aartista baka cinareer ko na talaga. I never imagine that this day would come. Sa totoo lang ay umasa talaga ako na para sa kanya mismo ang libro. Ginagawa niya kasi 'yon dati nung unang taon ko pa lang. Ang tanga ko lang na naisip ko 'yon. Hiwalay na nga pala kami. Nagtagal pa kami ni Monti sa loob dahil marami pang nagpupuntahan bigla. Iyong iba ay nagugulat na andoon ako. Doon na lang din kami kumain sa pwesto na iyon. Nakipagtawagan pa ako sa kambal at nalaman ko kay Sam na gumagawa ng homeworks ang triplets. Nasa sa akin ang puder ng mga bata. Kinukuha naman sila ni Rome pero saglitan lang. Lagi rin namang nagpupunta si Rome sa bahay pero 'di kami nagkikita palagi. Kapag sa school naman ay present kami. Buti na lang ay pinapayagan siya ni Irish. Aba, dapat lang din hoy! Nalulungkot ang mga bata kapag 'di nila nakikita ang kumag na 'yon. Hindi ko naman ini-spoiled 'yon pero dahil kasama na lumaki si Rome ayon mukhang magiging kaugali pa niya talaga. My whole morning and afternoon went well. Pumunta kami sa warehouse at printing house kaya medyo natagalan kami. Ihahatid na sana ako ni Monti sa bahay pero naudlot kami nang mag-aya ang bestfriend niya na si Kael. Tatanggi na sana ako pero naalala ko na nangako pala ako sa kanya tungkol sa pagsama ko kung aayain niya ako ulit. Hindi kasi ako nakasama nong nakaraang buwan no'ng ganapin 'yong birthday niya. Bago kami umalis ay nagpaalam muna ako kay Monti para magbanyo dahil tatawagan ko muna si Sam. Video call para makita ko rin ang triplets. Mabilis naman 'yong sinagot ni Sam. "Hello po, ate! Pauwi ka na?" bungad niya sa akin. Mukhang nasa kusina at nagluluto. Gumalaw siya tanda na nilapag niya muna ang phone kaya steady na ito ngayon. "Sam, gagabihin ako. Ngayon lang naman 'to," sambit ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at nameywang pa. "Nako, ate. Ayos lang naman 'yan. Enjoy-in mo 'yan! Minsan ka lang din naman lumabas-labas. Subsob ka lagi sa mga ginagawa mo at sa mga bata, eh. Kailangan mo naman kahit papaano ng gala mo," aniya. Nakita kong napatingin naman siya sa gilid niya at tumango kaya kumunot ang noo ko. Napangiti naman ako. "Sabagay, at saka si Monti naman ang kasama ko." Nanlaki naman ang mata ni Sam at napatingin na naman sa gilid. "Si Monti? Aba, ate! Iba ka na ngayon ha! Saan kayo pupunta ha? Ikaw ha!" tukso pa niya kaya napairap ako. "Sa bar lang na pinupuntahan namin dati. Doon lang din naman ako napapadpad. Hindi naman ako iinom. Kakain lang naman, libre kaya 'to!" Natawa naman si Sam. "Ay, maiba nga ako. Nasaan na ang mga bulilit ko ha?" tanong ko rito. Kinuha ni Sam ang phone niya at napansin kong naglakad siya. Napunta siya sa sala namin at ibinaliktad ang phone niya. Nakita kong nakahiga ang tatlo sa sofa bed at mga nakapikit. Kumunot naman ang noo ko. "Ang aga pa ha? Anong nangyari sa mga 'yan?" tanong ko kay Sam. Muling ibinalik ni Sam ang phone sa kanya, nakita kong napakamot siya sa pisngi niya. "Uh, ate. Andito kasi si Sir Rome." Napasinghap naman ako. "What? Anong ginagawa ng kumag na 'yan diyan? Hindi ba sabi ko huwag ka magpapapasok ng halimaw na manloloko riyan sa pamamahay—" Nanlaki ang mata ko nang mawala ang pagmumukha ni Sam sa screen at pumalit ang malamig na pagmumukha ni Rome Donovan. Ang panget talaga! "Naririnig kita," aniya. Umikot naman ang mata ko. "Oh, ano ngayon? Malamang maririnig mo ako kasi may tainga ka!" "Go home, Nikita Amber, gabi na." Nag-init naman ang ulo ko sa narinig. "Ay, makautos. Ikaw ang umuwi. Lumayas ka riyan sa pamamahay ko Rome Donovan. Trespassing ka lagi, ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ka man lang nagpapaalam o nagsasabi na lulusob ka riyan sa pama—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang putulin niya ako. "Paano ako magsasabi sa 'yo, Nikita Amber kung hindi mo ako hinahayaan na magsalita? Hindi na ako nagsasabi kasi hindi ka naman nakikinig. Lagi mong pinapairal 'yang init ng ulo mo sa akin kapag nagkikita tayo." Natahimik naman ako sa sinabi niya. Nakatutok pa rin sa kanya ang phone kaya kitang kita ko ang pagmumukha niya. "Bawas bawasan mo naman 'yang galit mo sa akin kahit para sa mga bata—" Pinutol ko na siya dahil ramdam ko ang biglang pag-iinit ng mata ko. Tingnan mo, ako pa ang pinalalabas na masama. "Gago ka. Huwag mo akong utusan ha, wala ka sa kinalalagyan ko para sabihan mo ako ng ganyan. Wala kang pake kung hanggang ngayon ay andito pa rin ang galit ko sa 'yo. Kasalanan mo 'to—" "I already said sorry!" "Wala akong pake sa sorry mo. Hindi niyan matatangal 'yong sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon. Oo, hinayaan na kita kasama 'yang babae mo. Wala naman na akong pake sa 'yo kasi hiwalay na tayo. Gawin mo ang gusto mong gawin, pero sana maging sensitive ka naman sa nararamdaman ko. Hindi madali para sa akin, Rome. Pero ginagawa ko kasi kailangan." Naialis ko ang phone sa mukha ko at pinunasan ang tumulong luha. "Nikita—" I cut him off. "I gotta go. Sasabihan ko na lang si Sam kung pauwi na ako para makaalis ka na. Ayokong maabutan ka sa bahay ko. Gagabihin ako dahil magbabar kami." Mabilis kong pinatay ang tawag at in-off ang data ko. Naituko ko ang dalawang palad sa sink at mahinang nagmura. Anong akala niya, gano'n lang kadali kalimutan lahat-lahat? Madaling sabihin para sa kanya kasi hindi siya ang mas naagrabyado. Kasi sa aming dalawa, ako ang mas nag-invest at ako ang mas nagmahal ng totoo. He has no rights to question my pain and coping mechanism about what he did to me. Hindi siya ang nasaktan at patuloy na nasasaktan. Huwag niya rin idamay ang mga bata kasi kaya kong palakihin 'yang tatlo na ako lang. Bago lumabas ng banyo ay naghilamos muna ako at nag-retouch. Nakatanggap pa ako ng message galing kay Monti dahil hinahanap niya ako. Mabilis kong tinapos ang ginagawa at lumabas na. Nasa parking si Monti at hinihintay ako. Tahimik ako sa naging byahe namin. Alam kong napansin niya iyon pero sinabayan na lang niya ako. Sa kabilang entrance kami dumaan at umakyat sa taas dahil doon ang ni-reserve ni Kael. Napansin kong may mga tao rin doon sa pwesto at kakilala ko ang mga 'yon. "Huy, si Amber!" "Amber, hi!" "Monti, iba ka naman pala!" Ngumiti na lang ako at binati sila isa-isa. Bale seven kaming nasa dalawang mesa ngayon. Kael, Austin, Rihanna, Wendy, Luigi, Monti at Ako. Bonding lang din nila 'to. Silang anim ay matalik na magkakaibigan. Si Rihanna at Wendy ay mga model. Si Luigi, Doctor. Si Austin at Kael ay CEO. They were childhood friends at hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang friendship nila. Iilang beses ko na rin silang nakakasama kapag sinasama ako ni Monti, tahimik lang din sila, seryoso kumbaga pero kapag nakakausap mo ay kalog. We are not that close pero masasabi ko na ang bait talaga nila. Hindi sila 'yong mayabang at mapagmataas. "What will you order?" Napatingin ako kay Monti nang magsalita siya. Inilapit ko pa ang mukha ko para mailapit din ang tenga ko dahil hindi ko masyadong narinig ang sinasabi niya dahil sa biglang paglakas ng tugtog. "I'm asking you if what will you order?" Malakas niyang tanong. Naramdaman ko pa ang paggalaw ng labi niya sa tainga ko. Iniabot na rin niya sa akin ang menu at pumili na ako. Inasikaso ako ni Monti hanggang sa matapos kaming kumain. Kaunti lang ang nakain ko dahil balak kong uminom. Minsan lang din naman. Hindi naman ako 'yong party girl dahil may mga bagay pa ako na mas kailangan unahin kesa sa ganito. Ngayon ko lang ulit gagawin dahil parang may nagtulak sa akin. Kahit nasa second floor kami ay may dance floor din dito tulad ng sa ground floor. Hindi ko alam kung ilang oras na kami andito. Basta natutuwa ako sa paligid kaya hindi ko na namamalayan ang oras. "Don't drink too much," bulong ni Monti sa akin. Nailayo ko ang mukha ko dahil parang bigla akong kiniliti nang magsalita siya. Napatingin ako sa glass na hawak ko at nakitang may laman pa iyon. Hindi ako nakinig sa kanya at tinungga ang laman no'n. "We're going to dance!" Naring kong sigaw ni Luigi at hinila si Wendy. Nakita kong hinampas ni Rihanna ang balakang ni Wendy saka sila nagtawanan. May namamagitan kaya sa dalawang 'yon? Napansin ko kasi na parang ang dikit ni Luigi kay Wendy tapos inaasar pa ni Rihanna. Bagay naman sila kung tutuusin! Nahawakan ko ang braso ni Monti kaya napatingin siya sa akin. Halatang nagulat siya kaya mahina akong natawa. Wala sa sariling napisil ko ang biceps niya dahil ramdam ko iyon sa palad ko. "Nikita," sambit niya sa akin kaya mas natawa ako. "Grabe, ina-appreciate ko lang naman ang bigay ni Lord sa iyo!" Humagalpak ng tawa ang kaharap namin kaya napasimangot ako. Hmp! Wala naman sigurong masama kung hahawakan ko lang, eh! "Goodluck, Monti the torpe." Rihanna said, laughing. Kumunot ang noo ko. "Torpe? May nagugustuhan ka na?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at inabutan ako ng tubig para mahimasmasan daw ako. Hindi naman ako lasing! Siguro slight lang! Ang sarap kasi ng piniling drinks ni Luigi at Austin! Kung may nagugustuhan na si Monti, grabe ang swerte ng babaeng 'yon! Para siyang naka-jackpot sa lotto nito! "Last glass mo na iyan. Kael, don't give her any drinks because she's drunk." "I'm not!" Nailing ako at kinukurot si Monti pero hindi man lang siya nasaktan! Tawa nang tawa si Rihanna, Austin at Kael sa ginagawa ko kay Monti. Mas lumakas ang tugtog sa paligid at tumama ang mata ko sa babaeng hinatak ang isang lalaki sabay diretso sa dance floor. Napatingin ako ro'n at napansin na marami nang nagkakasayahan. Tumayo ako at hinatak ang kamay ni Monti. "No, Nikita. Stay here," aniya at ako naman ang hinila paupo. I pouted my lips and shook my head. "Let's go! Let's dance! Ikaw naman ang kasama ko!" pagpupumilit ko sa kanya at pilit siyang hinahatak. "Monti!" sigaw ko pa at nagpapadyak na. I heard him sigh and stood up kaya mas natuwa ako sa kanya. Dinamba ko siya kaya napakapit ako sa leeg niya. He cussed as I felt his hands on my waist, supporting me. Natawa ako at ako na ang lumayo. Natutuwa ko siyang hinatak papunta sa dance floor. "Nice one!" Luigi exclaimed when he saw us. Nasa harap niya si Wendy at nakakapit sa bewang niya. Gusto ko sumayaw kahit na hindi naman ako dancer! I wanna spend this night with a joy! Na-stress ako sa damuhong Rome na iyon kanina! Ang kapal ng mukha! Mas lalong sumasama ang loob ko sa kanya sa totoo lang! "Oh s**t!" Napamura ako nang may sumagi sa akin kaya mas tumalsik ako kay Monti. Napasubsob ako sa dibdib niya. "Hey! Tumingin naman kayo sa paligid niyo!" sita niya ro'n sa lalaki habang napakahawan ang isa niyang kamay sa likod ko. Nakita kong sumama ang titig no'ng lalaking sinaway ni Monti kahit na madilim kaya kinabahan ako ng kaunti. Kumapit ako sa damit ni Monti at iginaya siya pagilid kung saan hindi masyadong crowded. "Paano ba 'to?" I asked him out of nowhere. Napayuko siya sa akin, may pagtataka sa mukha. Napatingin ako sa paligid at tiningnan ang galaw ng mga nagsasayaw. I want to try this! Hindi ko pa naman kasi nagagawa 'to! Ang alam ko lang na sayaw ay otso-otso! Nakakanuod ako ng mga nagsasayawan sa bar pero hindi ko pa nasusubukan 'no! I saw a girl, ang kanyang likod ay nakasandal sa harapan ng lalaki. Gumigiling siya habang nakahawak sa bewang niya ang lalaki, sumasabay din sa kanya. Ang lapit-lapit pa ng mukha nilang dalawa. Napalunok naman ako sa nakita, pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko! "What do you mean?" he asked me. Ang dalawang kamay ko ay nakakapit na sa magkabilang braso niya. Nakatingala ako sa kanya dahil matangkad siya. Amoy ko ang alak sa kanya pero hindi siya lasing dahil hindi naman siya masyadong umiinom kanina. Napakurap ako na mapagtanto na sobrang lapit ng mukha namin. "H-Hindi ako marunong sumayaw..." bulong ko, tama lang na marinig niya. I saw how Monti swallowed the lump in his throat and chuckled after I said that. Christ! Ang gwapo niya no'ng ginawa niya 'yon! Monti smirked and I gasped when his hands went to the side of my waist. Nanlaki ang mata ko nang pihitin niya ako patalikod sa kanya at mas pinaglapit ang katawan namin. Ang isang kamay niya ay pumalibot na sa tiyan ko kaya napahawak ako roon. Napalingon ako sa gilid nang maramdaman ang mukha niya ro'n. "Monti..." I called his name dahil ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Mas nagbuhol-buhol pa ang pakiramdam ko nang magsalita siya. "Let me teach you, Nikita Amber. ——— Ps: Masyado na po akong natutuwa kay Monti. Delikado na si Rome. Pasensya ka na, Rome. Bawi ka na lang sa susunod hahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD