Four

1809 Words
Nikita's Point of View We all knew that love can be a roller coster ride and it is not for everyone. It can also be a full of magic that everyone deserves. It can also be this scary that you even don't want to experience it all over again. When I got married to Rome, I keep in mind that it's not always a smooth sailing journey with him, we might encounter some bumpy roads or unfortunate circumstances. It's not easy afterall, but with him, I found peace and tenderness. I vowed in front of God na siya lang. I vowed that I will be a good and loving wife. Hindi man ako perfect pero mamahalin ko siya ng tama, iyong deserve niya. Pinaglaban ko siya at nanatili ako kahit na andaming gusto humadlang. It's been two years and the pain is still here in my heart. Hindi agad mawawala kasi masyado akong dumepende sa kanya no'ng kami pa. Masyado ko siyang minahal. There are so many what ifs and whys. Ang dami kong gusto itanong kay Rome pero sa tuwing susubukan ko mag-open ng isang mababaw na tanong, isa lang ang sagot niya— I'm sorry. For two years, I am strong enough to hide the pain that I've been feeling. Pilit kong pinapatapang at tatag ang sarili. Nagtaka pa si Ate Nadia kasi hindi man lang niya ako nakitang umiyak kahit no'ng hearing namin. May times na gustong gusto ko humagulgol pero hindi matuloy-tuloy dahil sa mga bata. Panigurado na maiiyak ang mga 'yon at hindi titigil sa katatanong kung bakit. Mahal na mahal nila ang Daddy nila na kahit asarin ko lang ay kokontrahin ako ng tatlo. Pilit nilang sasabihin na hindi naman gano'n si Rome at sasabihin kung gaano nila kamahal 'to. Sa lahat-lahat ng mga nangyari, isa lang ang gusto ko na sana nangyari— I wish we ended differently and not like this because it f*****g hurts so much. I wish he had not lie for the entire time of our relationship. I wish I had seen the signs so early and left on my own. At least he had some decency to be honest with since the first time I met him. "Naalala ko pala na manghihingi ka ng sick leave. Why?" mahinahon na tanong ni Monti sa akin habang naglalakad sa parking lot. Lumingon ako sa kanya pero mabilis lang 'yon. "Because I'm so sick of everything, Monti." Napanguso naman ako ng tumawa siya. Wala naman nakakatawa sa sinabi ko! Inirapan ko si Monti kasi tawa siya ng tawa sa sinabi ko hanggang sa makarating kami sa Avila. Sa may likod kami dumaan para hindi mataranta ang mga taong nag-aabang sa labas. Mukhang hindi kami napansin dahil nakapayong kami kasi mainit habang naglalakad kanina. Nang makarating sa loob ay sumilip ako sa may pintuan at napansin na may naka-arrange na mesa sa gitna, mukhang doon ako pupwesto. Inabutan ako ni Monti ng tubig na galing sa isang staff. Agad ko iyong ininom at nagpahinga muna saglit sa isang sofa na andoon. "Ilan sila?" tanong ko kay Monti. Naupo siya sa tabi ko at dumekwatro. "Ayen told me that they are around 50, pero may mga humabol pa raw kanina at bumili on the spot tapos babalik na lang para magpapirma." Sanay naman na ako sa ganito. Pipirma lang naman ako. Makikipag-usap at tawanan saglit sa bawat isa sa kanila. Halos lahat din sila ay nakikipag-selfie. Napangiti naman ako habang inaaalala ang mga magagandang nangyari sa akin as a writer. Hindi ako kagalingan dahil may mga kilala ako na mas magaling, pero nag-iiwan kasi ng marka ang mga ginagawa ko kaya tumatak na sa kanila. And I'm so happy with that. "Grabe, akala ko katapusan ko na kasi pinatay ko 'yong female lead sa story na 'yon." Natatawang sambit ko kay Monti. "Don't worry dahil hindi lang ikaw ang kinabahan, ako rin. Nasanay akong puro happy ending at nagkakatuluyan ang mga leads mo, that was your forte. But when I read that one, I realized that you are so good in making a tragic story so beautiful." Humigpit naman ang hawak ko sa bottled water na hawak ko. I can write sweet and happy endings but I can't write and make my own. When I became a writer, ang una kong reader at fan ay si Rome. Drafts pa lang ay siya na ang bumabasa and he was always giving feedbacks about it. It is so helpful actually. Mabilis akong nakakausad and because i'm inspired, mas gumanda ang kalalabasan. Sinasamahan niya ako na mag-brainstorming para sa mga new stories ko para mas maging interesting and catchy sa mga readers. "Bossing, Ma'am Amber, okay na po." Sabay kaming napatayo ni Monti nang magsalita ang isang staff. Monti escorted me papunta sa loob ng bookstore, nakita kong naoatingin ang mga nag-aabang sa labas. Mabuti na lang at may silong at hindi abot ng araw kaya hindi sila naiinitan habang naghihintay. May tatlong upuan roon. Monti pulled the chair para makaupo ako. Tumayo lang siya sa gilid ko at sinenyasan ang isang staff na magpapasok na. Napuno ng masasayang tili ang loob nang makapasok sila. Inabutan ako ni Monti ng pen at binuksan ko iyon. This is not the first time na sinasamahan ako ni Monti sa mga small signing events ko. Simula no'ng maghiwalay kami ni Rome ay si Monti na ang sumasama sa akin. Dati kasi, si Rome. Minsan, kasama pa ang triplets. I really miss those times pero wala naman akong magagawa. Wala na kami, hanggang doon na lang. He's one of my inspiration but it turns out the other way. "Hi, Miss Amber! Idol na idol ko po kayo!" Napangiti naman ako at tumingin sa babae. "Thank you so much! What is your name?" I asked her. Kinilig naman siya sa tanong ko kaya natawa ako. "Kath po, ako po si Kath! Grabe, ang ganda-ganda niyo po! Ang ganda pa ng first installment ng Maybe Someday kahit masakit sa huli. Worth it ang time and luha," sambit niya sa akin. Habang sinasabi niya 'yon ay sinulat ko ang name niya sa first page ng book at nilagay ko ng pirma. Nilagyan ko rin ng maikling greetings para mas matuwa siya. Narinig ko rin ang pagtawa ni Monti sa gilid ko. Nakaupo na siya dahil umusad na ang mga taong nagpapapirma sa akin kanina pa. Pinaupo ko na dahil baka mangawit sa katatayo. "Sure ba 'yan? Why do I feel like na isa ka rin sa nagalit muna sa pagpatay niya sa lead?" mapanuyang sambit nito. Hinampas ko si Monti, nakarinig kami ng tawanan sa paligid at halatang nakikinig pala sila! "Mga 30% lang po ang galit ko sa nangyari pero inulit ko ng inulit hanggang sa makuha ko ang message ng story," magandang sagot ni Kathy. Napa-aww ang paligid kaya halos hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko. Hinaplos ang puso ko sa mag narinig mula sa kanila. May umiyak pa nga kasi naalala raw nila 'yong ending habang kaharap ako! Grabe talaga! Si Monti naman ay tuwang tuwa. Masyado na siyang happy ngayong araw, delikado na! Buti na lang at tapos na— Narinig ko ang pagtikhim niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong sumulyap siya sa akin na may malamig na tingin kaya nawala ang ngiti ko, maya-maya ay nalipat sa harap ko ang tingin niya kaya sinundan ko 'yon. Halos manlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Unti-unti bumaba ang mata ko hanggang sa mesa kung saan andoon ang dalawang kamay niya nakapatong sa libro ko. Tumagal ang titig ko sa daliri niyang may tattoo sa may palasingsingan. Napasara ang kamay kong may hawak ng pen at kung saan doon din nakalagay ang tattoo sa isa sa mga daliri ko. Iyon ang nagsisilbing wedding ring namin noon. I swallowed the lump in my throat and moved my gaze to his face and flashed a sweet smile para hindi awkward. s**t, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay natahimik ang paligid at kaming dalawa na lang ang natira ngayon. "H-Hi," bahagya pa akong natawa pagkatapos sabihin 'yon. Jusko, Nikita Amber! Masyado akong halata na apektado ako na nasa harapan ko si Rome! Mabilis kong kinuha sa kanya ang libro. Tipid siyang ngumiti at napatingin kay Monti na tahimik lang din. Parang sinisipat niya ito. "Uh, name mo ba ang ilalagay ko?" diretsa kong tanong sa kanya. Binuklat ko ang libro. Ididikit ko na sana ang pen sa first page pero natigil ako nang magsalita siya. "No." Gumalaw ang isa niyang kamay. Sinundan ng mata ko ang kamay niya kung saan may itinuro sa likuran. Halos manginig ang mata ko nang makita si Irish doon sa may tabi at nakangiti sa amin. She looks so beautiful in her white dress, mukha siyang anghel. Kumaway pa siya bahagya. Bumagsak ang balikat ko sa nakita. "Kay Irish 'to, nagbabasa kasi siya ng gawa mo. Galing kami sa department store, saktong napadaan kami at napansin namin na maraming tao kaya sinamahan ko na siya. She bought this earlier and she wants it sign by you." Nahigit ko ang hininga sa narinig at muling tumingin kay Irish saka sinuklian ito ng ngiti at pagkaway. Damn it! "Ah, gano'n ba. M-Mabuti naman!" Sinimulan ko nang isulat ang name ni Irish with a short message saka ito pinirmahan. Pinanatili ko ang ngiti habang pumipirma. Nanatili ako maging mukhang masaya kahit na sumakit bigla ang dibdib ko sa nakita at narinig. Pagkatapos pumirma ay itinaas ko iyon at ipinakita kay Irish. Pinapahiwatig na tapos ko na pirmahan. She mouthed thank you and I just gave her a smile. Muli kong ibinalik ang tingin sa hawak na libro at inabot na kay Rome. "T-Thank you," halos pabulong kong sambit. Hindi ko na nagawang sulyapan si Rome habang ibinibigay ang libro. Dumampi pa ang kamay niya sa kamay ko at ramdam ko ang init ng palad niya. "Thank you, Nikita Amber." Walang emosyon niyang sambit at tumalikod na. Napatingin ako sa malapad niyang likod at humigpit ng kapit ko sa pen. Hindi ko na makita ang reaksyon ni Irish dahil natatakpan siya nito. Nang tuluyan na makalapit kay Irish ay doon ko nakita ang saya sa babae habang kinukuha ang libro kay Rome. I feel my eyes heated. It feels like the world is making its way for me to see them together with a purpose. Para bang ipinapamukha sa akin ng tadhana ang nawala sa akin. The purpose is not to be mad or get jealous about seeing them together, but to see the genuine happiness and love that they were sharing for each other simce the very beginning. "Amber, are you okay?" Napatingin ako kay Monti nang magsalita siya. Pilit akong ngumiti at pinanuod ang papalayong bulto ng dalawa. Lord, bakit naman ganito? Ang sakit-sakit naman...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD