Three

1799 Words
Nikita's POV Napatigil ako sa pag-sign ng mga libro ko nang makaramdam ng pangangalay. Napatingin ako sa malaking mesa na kaharap. Siguro nasa kalahati na ng 100 books ang napipirmahan ko. Utusan ba naman ako ni Boss na i-sign ko ang mga ilalabas na copy sa apat na branch dahil may mga nagrerequest ng sign ko. Marami pa akong kailangan pirmahan sa mga susunod na araw. Inabot ko ang isang pocketbook na may pirma ko na at tinitigan. Maybe Someday. This is a tragic story that is written by me. Yes, I'm a writer. Sa isang sikat na Publishing House ako nagtatrabaho as their full-time writer. Ako na rin ang minsang tumitingin sa printing house ng Publishing Company na 'to. Sadyang close lang kami ng may-ari kaya inalok niya pa ako ng ibang trabaho na buong puso ko namang tinanggap. Maybe Someday is my new story release. Dalawang linggo pa lang ang nakalilipas no'ng ilabas 'to. Mabuti na lang ay pumatok sa tao ngayon. Kilala akong bilang romance writer na magaling magpakilig ng readers. Iyon ang sabi ng mga nagmamahal sa akin. Kaya naging matunog talaga ang paglabas ng unang installment ng Maybe Someday ko dahil beautifully tragic ang ending nito. Ibang iba ang ending sa mga nauna kong naisulat na kwento. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at 'yon ang naisip ko na plot. It's all about a woman who's head over heels with this man na walang alam tungkol sa love. Until something happened to them, ipinakasal silang dalawa. The man loathed her to the core when they got married. Maraming nangyari, puro masasakit but she chose to stay. Why tragic? because she died in the end. Oo, pinatay ko! May sakit naman kasi 'yong babae! So, it's reasonable. Halos mayanig ang community page ko no'ng mamatay si lead girl. Akala kasi nila bubuhayin ko pa kasi ang ganda na no'ng character development no'ng male lead. Akala nila may pag-asa pa ulit. Nagkaroon naman, sadyang maikli lang ang nakalaan para sa kanila. That's the reality. Hindi lahat nakakakuha ng happy ending ng matagalan kasama ang mga mahal nila. But trust me, that book is full of good memories na maraming aral. Iyong tipong makakahinga ka ng maluwag kahit na namatay 'yong bida. That was just the first installment. The second installment, naipasa ko na no'ng nakaraan. Hinihintay ko na lang ang result. Pinatay ko rin ang bida ro'n, chos! Kasalanan talaga 'to ni Rome. Siya ang gusto kong mawala sa mundong ibabaw pero iba ang nangyari. Mga characters ko ang pinapatay ko ngayon! Pisti siya! "Pwede ka raw sa friday?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ng Editor namin na si Judy. Nginitian ko naman siya at itinuro ang sarili. "Ako? Uh, pwede naman siguro?" alanganin kong sambit. Hindi ko naman kasi alam kung saan, at saka pagdating sa kanila ay nahihiya na akong tumanggi. Ang babait kasi nila sa akin. Halos pamilya na ang turing ko sa kanila. Iyong mga hindi ko naranasa no'ng kabataan ko ay sa kanila ko nagawa. Having friends, tumawa ng walang doubt at judgement, mag-asaran at lahat-lahat na. Bahagya naman itong natawa at naupo sa may bangko na nasa may harapan ng malaking mesa. "Nag-aya si Boss ng dinner sa friday. Sabi niya ayain daw kita. Alam mo naman 'yon, kailangan present ka lagi." "Masyado na siyang hook sa beauty ko ha! Nako, iba na talaga 'yan!" biro ko rito. Natawa naman si Judy, umalog pa ang kanyang balikat na parang kinikilig. "Annulled ka na kay Rome. Single naman kayo parehas ni Bossing at saka mabait siya, bagay kaya kayo!" aniya. Napanguso naman ako. "Issue ka! Bawal 'yan dito at saka friends lang talaga kami." "Give it a try kaya!" pagpupumilit niya pa kaya binato ko siya ng ballpen na nasa mesa. Nailing ako. "Ayoko nga, committed lang ako sa mga bata." Umismid naman siya. "Sus, baka pati kay Rome kamo. Hanggang ngayon siya pa rin, iyon ang gusto mong iparating. Sabagay, matagal din kayong nagsama. Naging talk of the town ang issue niyo no'n, pati 'yong kasal niyo at saka ngayong hiwalayan niyo mainit pa rin." Umamba ako na hahampasin ko siya ng libro na hawak ko kaya grabe ang tawa niya. "Tsismosa ka talaga! Ano ba kasing ginagawa mo rito?" pag-iiba ko ng topic naming dalawa. Masyado maraming nalalaman 'tong si Judy at baka hindi ko siya matantya at ipatumba ko siya kapag nagkataon. Tingnan mo, alam na alam ang mga highlights ng buhay ko. Kaya nakakatakot na humarap sa ibang tao minsan kasi alam na alam nila ang mga nangyari sa 'yo. "Ipapaalala ko lang po na aalis na kayo in almost two hours. Pupuntahan niyo 'yong isang physical store natin kasi may signing ka 'diba?" Napasapo naman ako ng noo sa narinig. "Ay s**t, oo nga pala! Buti pinaalala mo!" sambit ko sa kanya. Bahagya naman siyang natawa. "Nako, huwag ka na mag-alala. Ihahatid ka ni Boss kasi, ichecheck niya rin 'yong katabing warehouse." Napatango naman ako. Tinulungan na lang ako ni Judy hanggang sa matapos ko lahat pirmahan ang mga libro at nilagay iyon sa isang cart lahat kasi kukunin 'yon for wrapping. Agad akong nagpunta sa comfort room para mag-retouch. I'm a working for this Publishing Company for more than three years na. Bago pa nga lang kung tutuusin, pero grabe na 'yong suporta na kinukuha ko mula sa readers ko at sa company na 'to. My father and kuya are also against with this, of me being a writer. Daddy wants me to enter politics or be a lawyer but I told him that I don't have interests on those professions. Dapat nga ako rin ang magmamana no'ng mga clothing line at malls ni Mommy pero hindi ako pumayag. Ayoko makarinig ng kung ano kay Daddy kaya kay ate na muna ibinigay. Sa aming tatlong magkakapatid ako ang may sariling pamilya na. Partida, ako pa ang bunso. Ate and Kuya were really focus on their career. Wala nga ata sa dictionary nila ang magkapamilya. Pumayag din naman ang parents ko sa gusto nila, pero si mommy nanghihingi na sa kanila ng mga apo. Gusto niya magkaroon na ng kasa-kasama ang triplets. Kung mahal lang siguro ako ni Rome baka nagkaroon pa ng kasunod ang triplets. Damuho talaga siya! Sana sa next life niya maging patatas siya. Manloloko! Hindi ko namalayan ay mahina akong napahikbi habang naglalagay ng lipstick. Hanggang banyo pa naman nagdadrama ako! Bwiset ka, Rome! Kasalanan mo 'to! Hanggang kabilang buhay ko na ata dadalhin 'tong sama ng loob ko. Ako lang ata ang ex-wife na kahit niloko na, mabait pa rin ng mga 20% sa kanya pati na rin sa babae niya. Hindi ko kailanman pinagsalitaan ng masama si Irish sa harapan niya kahit na gustong gusto ko ng sumabog at magsalita ng mga masasakit na words. Mas nauna siya, iyon ang katotohanan. Napatitig ako sa salamin at napasimangot na makitang hindi maayos ang pagkakalagay ko ng nude color na lipstick ko. Pinunasan ko ang labi ay kinuha ang red color na lipstick ko. Marami akong baon na lipstick sa pouch ko. Mahilig ako sa iba't ibang kulay no'n, lalo na kapag kissproof— este waterproof! Kissproof, wala naman akong mahahalikan ngayon, hmp! Nang makita ko na pulang pula na ang labi ay nakuntento na ako. Itinali ko pa ang mahaba at kulot na buhok. I once doubt my physical apperance because of what happened to me and Rome, but my Ate told me na I'm pretty. I have this fair skin complexion, I'm 5'6 in height and have this great body curves to die for. Pinagkumpara ko na rin ang sarili kay Irish, sorry if I did that, pero napagtanto ko na maganda talaga siya. Mabait at hindi maldita, ibang iba sa akin. Well, ganito talaga ako eh. If he can't handle me, that's not my problem anymore. I sighed and wiped away the thoughts with a connection to that bastard. Sa paglabas ng banyo ay may nakasalubong akong staff at sinabi sa akin na inaantay ako ni Boss sa tapat ng Avila. Binati ko ang mga nakakasalubong ko habang palabas. Agad kong nakita ang driver ni Monti at binati 'to. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at agad akong pumasok sa loob. Andoon na si Monti at may kausap sa phone. Ipinatong ko sa kandungan ang shoulder bag ko. Monti and I become friends because of family gatherings. Kasal pa ako no'n kay Rome. Sobrang tagal na rin. He's four years older than me, kuya nga dapat ang itatawag ko sa kanya pero ayaw naman niya kaya first name basis kami. "Oh! Hi, Amber!" bati niya sa akin pagkatapos ibaba ang phone at isinuksok sa bulsa niya. Nginitian ko siya at bahagya pang kumaway. "Hi! Isang linggo rin kitang hindi nakita, ha?" sambit ko rito. Tumingin siya kay Manong at sinabihan kung saan kami pupunta bago siya bumaling sa akin. "Ah, that. We're just working on something for the Indie film that's why I got busy for the past days. And I already read your second installment..." Medyo kinabahan naman ako sa narinig. Nakangiwi akong tumingin sa kanya. "Is it bad? Or do I need to revise it?" mahina kong sambit. Natawa siya sa tanong ko kaya kitang kita ko 'yong malalim niyang dimple sa magkabilaang parte ng pisngi. Gosh, ang gwapo talaga ng isang 'to. Bakit kaya hanggang ngayon ay single pa rin ang isang 'to? Ireto ko kaya 'to kay Sam na nag-aalaga ng mga anak ko? Ganito ang tipo ni Sam eh! Mala— Simone Sussina! Pwede ngang model ng calvin klein, yummy! Napakurap ako nang maoagtanto na napatagal ang titig ko sa kanya. Napahawak ako sa leeg at natawa tulad niya. "Nah, it's good." Kumunot ang noo ko. "Good, Good lang? Ano bang klaseng sagot 'yan, Monti Ortega? Sabihin mo naman sa akin ng detalyado, oh. Diretsuhin mo na. Alam mo bang kinakabahan ako kasi baka mamaya ay ma-reject pero okay lang naman kasi willing ako na bagu—" "It's good," putol niya sa akin. Ngumiti siya bago nagsalita ulit, "It's good even if it's heartbreaking. Nahihilig ka na sa mapanakit na plots ngayon. Talagang may painanghuhugutan ka. This one is different from the first installment. It's quite impressing because the lead found love again after what happened to her." Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag. Jusko po! Akala ko another iyakan serye na naman ako sa gabing malamig! "Totoo ba 'yan?" Tumango naman siya. "Baka mamaya binobola mo lang ako ha!" dagdag ko pa na ikinatawa niya. Nailing siya at mataman akong tiningnan kaya medyo nag-iwas ako ng tingin. "No! And I hope that just like your female lead on the second installment, you'll find love again with different person for the second time around..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD