Nikita's POV
Falling in love is beautiful. Falling in love is a beautiful feeling, but it's temporary. To them, you're important. In just a snap, you're not. The thing is, not all get their happy ending with the people they truly loved.
And that's what happened to Rome and I.
Bwiset na kumag 'yon. Ang sarap balatan ng buhay. Napakagago. Sana hindi na lang siya nabuhay. Sana hindi ko na lang siya nakilala. I was nineteen when I met him. Rome was four years older than me. Si Daddy ang nagpakilala sa akin ng lalaking 'yon. My Daddy is a Senator and Rome was part of his guards before. Naging bantay at driver ko rin ang lalaking 'yon ng ilang buwan. Until something happened to us and nahuli kami ng family.
I am in love with Rome na kaya kong ibigay sa kanya lahat-lahat. In my lonely times, siya ang nakakasama ko. Mahigpit ang Daddy kaya hindi ako kailanman nagkaroon ng maraming kaibigan kahit sa school. People were scared to get closer with me because of my family status, iyon ang naririnig ko.
My pregnancy at the age of 20 was a scandal. Kilala ang pamilya namin lalo na ang angkan ni Daddy. Dala-dala ko ang apelyido niya kaya kaunting galaw ko lang ay issue sa lahat. Bugbog ang inabot ni Rome kay kuya. Nang malaman nila na buntis ako, doon lang kami naging official ni Rome. Pinanindigan niya, ginawa niya ang mga dapat gawin. After two months, we got married. I stopped from schooling at itinuloy na lang pagkatapos manganak.
Daddy cut off my allowance, kinuha ni kuya ang cards na ibinigay niya sa akin. I continued ny studies and continued living my life with Rome with the money I have in pocket. Marami naman akong ipon dahil may pinapatago ako kay Ate. Hindi 'yon alam nila mommy. May trabaho naman si Rome. Para akong pinutulan ni Daddy at Kuya ng karapatan sa pamilya namin pero hindi ko naman sila masisisi. Kailanman hindi ko rin pinagsisihan na nagkaroon ako ng tatlong anak kahit na humantong sa 'di maganda ang kasal ko kay Rome.
I don't know what happened.
Basta isang araw, nagising na lang ako na malamig na siya at lumalayo ang loob. I even accused him of having a marital affair... which is so damn true. First love. Nakikipagkita pa pala siya sa first love niya. Hindi ko nga alam na may nag-eexist pala na ganyan sa buhay niya. In short, hindi ko pa pala siya kilala talaga. Ano naman kasing laban ko sa lagpas sampung taon na niyang mahal kesa sa aking nabuntis niya lang.
Shit lang talaga. Isa siyang s**t.
Masyado akong nabulag. Masyado ko siyang mahal. Si Ate ang nakakuha ng case naming dalawa because she's a court judge. Kaya ganoon na lang din kabilis na napawalang bisa ang kasal namin ni Rome. Two years na kaming hiwalay at hanggang ngayon bitter pa rin ako. Parang ginagawa ko na ngang vitamins ang ampalaya.
Buti na lang andiyan ang triplets. They are my rays of sunshine and my tranquility pero minsan ay naloloka ako dahil masyado nilang mahal ang tatay nila kesa sa akin. Puro Daddy ang bukang bibig nila. They were always asking me kung bakit hindi na nakatira si Rome sa bahay namin. Kung bakit mayroong Irish na nag-eexist at ito na ang kasama ni Rome. Pinapaliwanag ko pero lagi nilang sagot ay hindi nila maiintindihan. Hindi nila maiintindihan dahil bata pa sila.
Nagkikita naman ang mga bata pati si Rome. Kinukuha niya minsan dito sa bahay at isinasama. Nagrereklamo lang ang mga bata dahil ayaw daw nila kay Irish. Mabait naman si Irish, I already met her. She's beautiful and kind, no wonder Rome fell in love with her.
Siguro naman hindi ako nagkulang kay Rome. Ibinigay ko naman lahat, o baka sumobra rin ako at hindi niya na-take lahat. Inalagaan ko siya at minahal sa tamang paraan na alam ko. Kahit aloof siya minsan habang nagsasama kami ay hinahayaan ko lang dahil baka pagod sa trabaho. Kahit hindi siya nagsasabi ng I love you sa akin ay pinapagbigyan ko kasi nakikita ko naman sa pag-aalaga niya sa mga bata at sa mga pinapakita niya sa akin.
When he told me na nakikipagkita siya kay Irish ay grabe ang sakit na nadulot sa akin no'n. When he told me that Irish is his one and truly home, pakiramdam ko ay gusto kong magpalamon sa lupa. When he's with me, he's thinking about her. He only see me as his responsibility. Importante naman ako sa kanya pero hindi tulad kung gaano kaimportante si Irish sa kanya.
Tang'na lang niya.
Pinatagal pa niya ng anim na taon. Sana una pa lang ay sinabi na niya, tatanggapin ko naman. Hindi 'yong pinatagal niya pa ng anim na taon, kinasal na kami't lahat-lahat, lumaki na ang mga bata tapos doon niya lang sinabi.
Kaya hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya. Masyadong masakit ang mga ginawa niya sa akin.
"What are you doing here?"
I arched my brows when I heard a baritone voice. Mabilis kong in-off ang phone ang tumingin sa nagsalita. Halos umusok ang ilong ko nang makita na ayos na ayos ito ngayon. Imbis na nakasuot siya ng usual uniform niya ay nakapang-alis siya. Black pants, button-down polo at sneakers. Napairap ako nang mapagtanto na masyado ko na siyang tinititigan.
Oo na, gwapo siya pero isa siyang gago. Hindi na magbabago 'yon.
"Ang lakas naman ng loob mo tanungin ako niyan? Itong tinatapakan ko ay parte ng pamamahay ko!" ismid ko.
Sumama pa ang tingin ko sa kanya at kitang kita ko ang pagtaas ng kilay niya sa inasta ko.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "I want to see the boys," aniya. Nawala ang tingin niya sa akin at nalipat sa bahay ko na nasa likod ko lang.
I gasped. "Oh, buti naman at naisipan mo?" mapanuya kong sambit.
Naningkit ang mata niya. "Seriously, Nikita? Every time ba na pupunta ako rito para sa mga anak natin—"
"Anak mo, anak ko. Walang natin, walang tayo!" pagpuputol ko sa kanya.
Marahan siyang tumango. "Fine," tipid niyang sambit. Sinipat niya ang suot ko kaya nahirapan ko ang dalawang braso sa dibdib. Duh! Parang may pagnanasa pa rin 'to sa akin! No!
"Bakit ganyan ka makatingin?" singhal ko rito.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. "Saan ka pupunta?" walang emosyon niyang tanong.
Nilagay ko ang kamay sa magkabilang parte ng bewang at inangasan siya. "Bakit? Concern ka na rin ba sa kung saan ako magpupunta ngayon, ha? Anong nakain mong hinayupak ka—"
Pinutol ako ni gago. "Yuck, Nikita Amber. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo," aniya.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at dinuro siya. "Hoy, Rome Donovan! Makasabi ka ng yuck diyan ay parang hindi mo dinasalan ang katawan ko no'n sa gabi! Halos tawagin mo nga ang mga santo at anghel kapag may ginagawa tayo sa— hmm!"
Hindi ko na natapos ang sasabihin nang pasakan niya ng tissue ang bibig ko. Ang bilis gumalaw! Bwiset talaga! Kinuha ko ang tissue sa bibig ko at hinagis sa kanya.
"Ang bastos ng bunganga mo," sambit niya at mabilis na nilagpasan ang beauty ko.
"Rome! Bawal ang gago sa loob ng pamamahay ko! Bumalik ka rito!" sigaw ko rito.
Hindi man lang siya sumagot o lumingon sa akin, ikinumpas niya lang ang kamay niya at nagpatuloy na pumasok sa bahay ko.
Tingnan mo, ang gago talaga.