Nikita's Point of View
"Thank you..." I whispered softly.
Napatingin sa akin si Rome at hinawakan ang tiyan ko na kahit five months pa lang ay grabe na ang pagkabilog nito. Triplets din kasi ang dinadala ko, katatapos lang namin magpa-ultrasound kahapon kaya nalaman namin agad. Nasa balcony kami ng bahay at nagpapahangin. Ayaw pa nga niya sana dahil gabi na at baka mahamugan ako but I insisted na gawin na namin.
"For what?" he asked, smiling. Bumaba na ang tingin niya sa tiyan ko at kahit na may suot akong robe ay hinawakan niya iyon saka hinaplos-haplos. Magkatabi kaming nakaupo sa upuan na andoon at nakasandal ako sa kinauupuan. Nasa tabi ko siya at nakadungaw sa tiyan ko't nakahawak pa.
Napanguso ako. "B-Because you fight for me?" kinakabahan kong sambit. Bahagya siyang natawa kaya mas humaba ang nguso ko. "Why are you laughing? Totoo naman 'di ba? I mean, they were against on us."
Itinuro ko pa siya at ang sarili ko. I saw him nod and kissed my tummy. "Galit na galit nga sila 'di ba. Sinaktan ka pa. But... you stayed and you never abandoned me," mahina kong sambit. Umangat ang kamay ko at humaplos sa buhok siya. Nakita ko kung paano siya napapikit sa ginawa ko.
"We're going to have a babies. I'm going to be a father, you and our babies will be my top priority from now on," he said huskily.
Napakagat ako sa labi. "I-I love you, Rome." Nakita ko siyang napatigil sa paghalik at tumingin sa akin. "Hindi ko laging sinasabi kasi nahihiya pa talaga ako but I want to say it now. Kailangan ko na siguro masanay 'no? Iyong tipong lagi ko na siyang sasabihin?"
He let out a small smile and hugged me, burying his face on my neck. I felt him planted a long kiss on ny neck and whispered something na hindi ko naman narinig. Hinayaan ko na lang iyon.
"Just stay with me... that's okay."
Napatango ako sa sinabi niya at hinawakan ang mukha niyang nakasubsob sa akin.
I let out a painful smile when I remembered our small talk years ago. Even a small things with him, tanda na tanda ko pa. Hindi na nga ata mabubura sa isipan ko 'yon. How he made me feel loved and special. Pinaramdam niya sa akin lahat-lahat, pinaramdam niya na siya at ang mga anak namin ang mundo ko.
Love and pain is a feeling that can take over your heart and soul without warning sign. And it's also a complicated thing, truly. You feel great then one day you feel so sick. You want to move forward and forget him, then one day, you were missing him. Ganyan na ganyan ako and I hate it. Napagtanto ko na hindi pala healthy kapag sa kanya ka magfofocus tapos siya wala namang pake sa iyo. Masyado akong nalunod sa nararamdaman ko, iyong kahit puro sakit na lang nakukuha ko, hala sige pa rin.
I was looking at our passports and plane tickets. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak-hawak iyon. Pa-simple na rin akong nakapag-impake ng gamit ng mga bata, isang maleta nga lang. Hindi ko na dinamihan dahil magiging biglaan 'to at baka mahirapan ako sa dami. Siguro doon na lang kami bibili ng mga gamit nila. Marami naman akong ipon para sa kanila. Ang mahalaga dala ko ang mga importanteng papers namin.
My kids didn't know na na-pulled out ko na sila sa school na pinapasukan nila. Humingi lang ako ng favor na huwag sabihin kahit kanino, lalo na kay Rome at sa triplets. Isang araw ko lang 'yon naasikaso dahil humiling agad ako na sana maayos dahil iyong plane ticket namin ay malapit na ang schedule.
The day na nagkita kami ni Rome sa mall na iyon at nalaman ko ang tungkol kay Irish ay agad akong tumakbo palayo sa kanya. Good thing na maraming tao sa mall kaya hindi niya ako nahabol. Hindi na ako bumalik sa art exhibit and I just message Rihanna and Wendy na biglang sumama ang pakiramdam ko. What shocked me the most is hindi ako umiyak. Yes, I felt the pain.. so much pain but my eyes didn't shed even a single tear. Pakiramdam ko ay pagod na sila na mga nangyayari sa akin.
I received missed calls from him. He was using a different number kaya I decided to blocked it. Gagawa talaga siya ng paraan para magkaroon lang ng contact sa akin, but I was persistent to not make any interaction with him. He also went to our house but I told Sam na huwag papasukin.
"Akin kaya 'yan!"
"Oo na!"
Agad kong isinuksok sa passport holder ang mga hawak ko nang marinig ko ang mga boses ng bata. Isinara ko ang cabinet at lumabas na sa walk-in closet. Nadatnan ko silang kalalabas lang ng banyo at nakausot ng robe. Agad akong lumapit sa kanila at naupo sa kama.
"Mama, family day na bukas! I am so excited!" natutuwang sambit ni Rush.
Itinuro ko sa sofa ang mga susuotin nila bukas pati na rin ang bag na dadalhin nila. "Halata nga, kaya kailangan niyo matulog ng maaga para may engergy kayo para bukas."
Sinenyasan ko si Rocco na lumapit sa akin dahil parang hirap na hirap siya magsuklay sa buhok niya. "Complete tayo tomorrow and it's gonna be a fun day!" anito.
Ngumiti na lang ako hanggang sa matapos ko suklayin ang buhok ni Rocco. Hindi na ako nagsalita at nahiga na sa higaan nila. Nang ayos na sila ay agad silang tumalon sa kama. Nasa gitna ako, sa kanan si Rhysander, sa kaliwa naman si Rush at katabi nito si Rocco.
"Who's gonna lead the tonight's prayer?" I asked them softly. Nakita ko ang paghikab ni Rhysander at siyang paghila niya sa comforter hanggang sa upper body namin.
"Not me! Finish na po ako kagabi." Kinalabit nito si Rocco na biglang pumikit kaya natawa ako. Inabot ko ito at tinap sa pisngi. "Hmp! Bad, Rocco! Mama, don't buy him a double burger and salad bukas!" sambit nito.
Sa pagkakasabi niya no'n ay siyang pagmulat ni Rocco sabay upo sa higaan. Humagikgik si Rush sa inasta ng kapatid. Si Rhysander ay nakatagilid na rin ang higa sa amin pero mulat pa naman.
"Okay, let's pray!" he exclaimed. We started the sign of the cross and I saw the kids closing their eyes. Nagmulat lang ako ng mga mata at pinanuod sila.
"Papa God, thank you for this wonderful day. Thank you po dahil naging happy ang heart namin, sinama po kami kanina ni Daddy sa arcade and we played."
Napatitig naman ako kay Rocco nang sabihin niya iyon.
"He bought us new shirts and new shoes po! We also took some pictures sa timezone! Sayang lang po dahil hindi namin naisama si Mama, sabi ni Daddy busy daw kasi sa work si Mama and we understand naman po. Miss na po kami ang magpunta sa mall na kompleto. Sana po bulungan niyo si Mama na mangyari ulit 'yon," medyo natatawa niyang sambit.
Narinig ko pa ang paghagikgik ni Rush na nasa tabi ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng mata ko sa narinig kaya agad kong pinunasan iyon ng mata ko. Wala naman makakakita dahil mga nakapikit sila.
"It's been a long time na po since we went out as a whole. Miss na po namin 'yon, iyong kakain kami sa fast food and maglalaro sa arcade. Si Mama kakanta sa videoke kahit panget po boses niya."
"Rocco..." suway ko rito dahil nagtawanan na sila. Maganda naman boses ko kahit papaano! Itong bata na ito!
"Sorry Papa God if we laughed po. Masaya po talaga kasi 'yon kaya natawa kami. Daddy was laughing so hard that time but he looks like a teenager na kinikilig. His eyes were in a heart shaped and sparkling!"
Rocco smiled. "Thank you po Papa God for this family. Love na love po namin si Mama and Daddy. Sana po maging long pa ang life nilang dalawa together and sana po bumalik na si Daddy sa bahay. Happy family lang po. Thank you po sa lahat Papa God. Amen!"
Hindi ko na napigilan at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Agad akong bumangon at hinila si Rocco to give him a kiss in his lips. Pasimple ko ring pinunasan ang tumakas na luha at saka bumaling kay Rocco, yumuko't hinalikan din siya.
Ganoon din ang ginawa ko kay Rhysander na mukhang nakatulog na. Muling humiga si Rocco and sumiksik na. Inayos ko na rin ang pagkakahiga at tumingin sa kisame.
The next morning, masayang gumising ang mga bata. I am also excited. Rome told them na susunduin niya ang mga ito pero hindi na niya nagawa. I don't know the reason. I drove them to school all by myself. I thought this is going to be fun kahit na ganito kami kasi nagawa naman na namin dati. Naging maayos ang mga nakaraang family day nila sa school kahit na hiwalay kami, nakarating siya at tinupad ang pangako sa mga bata.
But their happy faces turned into mad and downhearted when Rome didn't come. No messages, no calls.
Umuwi kaming nag-iiyakan ang dalawa at si Rhysander ay tahimik lang na nakahiga sa kama nila, but I knew na galit yan, tahimik lang siya. I was so fuming mad but I need to stay calm to comfort my kids. Sam also helped me na patahanin dahil nagwawala ang bunso.
"I hate daddy! I hate him!" Rush said, sobbing. "He's with his girlfriend! Liar siya!" he added.
"Ate..." Sam whispered as she put a glass of water sa isang table.
Napatakip lang si Rocco ng unan at tumabi sa kuya niyang nasa higaan. I hugged Rush and caressed his back. Pigil na pigil ko na ang sarili na maiyak dahil sa nangyari. Wala akong masabi. He promised them... but what happened?
"Happy family lang po."
Rocco's words in his prayer last night echoed in my ears and I felt a stabbing pain in my heart. I don't know if I can still give that to them lalo na aalis na kami and hindi na nila makikita pang muli si Rome. But one thing's for sure, I will do everything just to make my kids happy kahit na ako na lang mag-isa. We can still be called family pa naman kahit wala akong asawa. It will not define my love for them.
Nakaya ko ng dalawang taon na wala siya... at talagang kakayanin ko sa mga susunod na taon.