Nikita's Point of View
At this moment, I will choose myself and my kids. Pag-alis ang sa tingin kong solusyon. We need to depart from the people who'll contribute pain and who'll affect my peace of mind at ng mga bata. It's also means taking my kids away from their father. Mahirap but I need to, I need to do this dahil pahirap nang pahirap.
Paano pa kaya kapag nalaman ng mga bata na magkakaroon na ng anak sa ibang babae si Rome? Ayaw nila kay Irish and it's also a sign na mahihirapan sila tanggapin ang tungkol sa pagdadalang tao nito. They're young and too naive but I know my triplets. Kilala ko sila at alam ko ang pwede nilang iasta.
I was quiet because of that news that Irish is pregnant and Rome might be the father. Kaya pala nagkalaman si Irish nang magkita kami. Hindi ko 'yon sinabi kay Sam at kay Monti. I keep it to myself. Wala naman akong karapatan na ikalat.
"Kinakabahan ako ate..."
Napatingin ako kay Sam nang marinig ang boses niya. Kinakabahan siya saan? Mukha namang hindi dahil nakangiti pa siya! Tinaasan ko siya ng kilay kaya bahagya siyang natawa.
"Chos lang po pala. Kanina pa 'yon no'ng nasa bahay pa tayo, pero ngayon maayos na. Hindi na ako kinakabahan."
"Bakit ka naman kakabahan?" tanong ko rito.
Humaba naman ang nguso niya. "Eh, aalis na po tayo. Walang nakakaalam, si Kuya Monti lang. Akala ko nga sasama na rin siya. Susunod pa pala siya. Paano po kung bigla nila tayong hanapin?"
It's already 12 in the morning. 2am ang kinuha kong flight schedule para masyadong tago. Eleven thirty pa lang ay umalis na kami ng bahay. Monti and his known men helped us. Tag-iisang maleta lang ang dala namin dahil pwede naman na doon na lang kami bumili. Hindi ako nahirapan sa mga bata. After their cries that day, doon ko sila binigla. Sam and I were both surprised dahil kahit na naging matanong sila ay pumayag sila. Hindi nagpakita sa amin si Rome ng dalawang araw and the next day na ang flight namin. Kita ko ang lungkot sa kanila.
"Why are you crying Mama?" Rush asked me. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Sam was also sitting beside me and she's caressing my back.
"Mama is in pain, baby." Ang dalawa niyang kapatid ay naupo sa kama at nakaharap sa pwesto namin ni Sam.
"Someone hurt you?"
I don't want to lie that's why I gave them a nod. "Is it D-Daddy?" he asked in a very low voice.
Hindi ako sumagot at kinuha ang kamay ni Rush na nasa mukha ko. Pinaupo ko siya sa kandungan ko at para magkakaharap na kaming apat. "Mommy will tell a story ha? Okay lang ba sa inyo na makinig?" nakangiti kong tanong kahit na sa loob-loob ko ay kabado na ako. Sabay-sabay naman silang tumango. Nakita ko ang pag-upo ni Sam sa tabi ni Rhys at Rocco.
"There's a woman who fell in love at a very young age, then nagkaroon siya ng kids—"
"Ikaw po yan Mama, eh!" Rush butted in.
Nagpigil ng tawa si Sam at napakagat ako sa labi. Gosh, ano ba 'tong bata na 'to! "Makinig ka kasi muna!"
He shut his mouth and went still kaya mas natawa ako. Para tuloy akong baliw dito. Umiiyak habang natatawa. Bigla akong natahimik dahil hindi ko na alam kung ano ang ipapasok bigla! Bumuntong-hininga na lang ako at ngumiti.
"Alam niyo naman kung gaano ko ka-love ang Daddy niyo 'di ba?"
Nagsitanguan sila. "Super love po," Rocco said kaya napangiti ako.
"But some things happened in our lives kaya 'yong love ko para sa kanya ay hindi na enough to make him s-stay."
"Is that the reason why we left Daddy's house and move to this house?" Rhysander asked.
"And Daddy is not with us anymore?" I saw sadness in Rocco's face.
I let out a small smile. "But your Daddy is happy naman—"
"He's happy without us?"
Nailing ako at niyakap sa bewang si Rush. "No! Alam niyo naman na mahal na mahal kayo ng Daddy niyo 'di ba? And always remember that! What I mean is he's happy even if he's not with me anymore. Kahit hindi na ako ang girlfriend niya..." Naramdam ko na naman ang pagbigat ng dibdib sa sinabi.
"But you're his wife," Rhysander whispered.
I shook my head. Nanlaki ang mata nila at nakita ko ang panunubig ng mata ni Rocco. Rhysander clenched his fist. Inabot ko si Rocco at pinaupo rin sa kandungan ko. Nanlaki ang mata ko nang umiyak sila kahit wala pa akong sinasabi.
"W-We're not married anymore, we were just co-parenting you—"
"He left us! He lied to us!" Rush shouted. Halos mapapikit ako sa sinabi niya. "He told me that he loves you so much even if he has a girlfriend! He loves you Mama..."
Nailing ako at sumubsob si Rush sa leeg ko habang nakaakap din. Rocco is also crying, nakatakip pa ang kanang braso niya sa mata niya. Hinila ko ito para mapaupo sa tabi ko at doon naman siya yumakap sa bewang ko.
"Matagal na rin kaming wala ng Daddy niyo at kahit na wala na, tandaan niyo na love na love niya kayo," mahina kong sambit.
"He didn't come to our family day like we used to. H-He promised us Mama..."
"Baka may importanteng ginawa lang ang Daddy niyo. Kakausapin naman niya kayo, sure 'yon."
"Liar siya. He broke his promised. If hindi ka love ni Daddy, ayaw na namin sa kanya!"
Mariin akong napapikit sa narinig. "No, Rush. It's okay if your Daddy is like that, as long as hindi niya kayo papabayaan I'm okay with that. Happy naman ang Mama—"
Rhysander cut me off. "You're not happy, pinipilit mo lang po para sa amin. I heard you last time that you were crying. You're in pain, Mama..."
Umawang ang labi ko sa narinig. Pagkatapos ay nakita ko ang pagsubsob ni Rhysander sa braso ni Sam na ikinagulat nito, kalaunan ay niyakap niya.
"I-I d-don't want you in p-pain, M-Mama..." Rush said, sobbing.
"W-We want you happy para happy din po ang heart namin," Rocco whispered.
"What if... What if Mama wants to live far away from here? Syempre kasama kayo, ayokong mahiwalay sa inyo. Papayag ba kayo?" I said almost breathless.
Nagkatinginan silang tatlo at maya-maya ay nagsitanguan sila. Namilog ang mata ko at nakita ko ring napatakip sa bibig si Sam.
"Really? That's also means na walang lola't lolo, friends niyo sa school—"
"We don't treat them as our real friends, Mama. They were backstabbing us. One time, Rush was crying because they bullied him, they bullied us." My son, Rhysander said in a cold voice. I can feel his anger within when he said that.
Nakita ko ang pagyuko ng kapatid niya. "Rush?"
Hindi ito nagsalita pero nakita ko ang muling pagtulo ng luha niya. By that time, I knew that leaving would make a sense.
Bumuntong hininga ako nang maalala ang tagpo na iyon. Napatingin ako sa triplets na tabi-tabing natutulog sa isang sofa dito sa waiting area. May iba ring pasahero na naghihintay at abala sa kanya-kanyang ginagawa. Napansin ko pa na may napapatingin sa gawi nila siguro nacucute-an dahil nagsiksikan sila sa three-seater na iyon habang natutulog.
"Kakayanin ko 'di ba?" tanong ko kay Sam.
Nagulat ko nang yakapin ako ni Sam, kaya napangiti ako. "Opo, ate! Nakaya mo ng dalawang taon, kakayanin mo pa sa mga susunod. At saka andito ako, tutulungan kita sa mga bata!"
Napatango ako at ramdam na may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Sam. Hinayaan ko siya na aluhin ako hanggang sa maging okay ako pero ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib. Nagising ang mga kambal dahil bigla raw silang nagutom kaya pinasamahan ko si Rhysander kay Sam na bumili muna sa isa sa mga stall ng food court.
"Mama... babalik pa naman tayo 'di ba?"
Napatingin ako kay Rocco nang magsalita siya. "Hindi pa nga tayo nakakaalis 'yan agad ang tinatanong mo. Nagbago na ba ang isip mo?" Kung babalik man kami siguro matatagalan at malalaki na sila no'n.
Nailing ito at tumulis ang nguso. "Hindi po. Basta po hindi ka na iiyak kapag umalis tayo."
"Huwag ka na po mag-cry kasi sumasakit ang heart namin," dagdag ni Rush na nasa kabila ko lang din.
Ginulo ko ang buhok nilang dalawa at binigyan sila ng halik sa noo. Nagawa ko pang tumango at ngumiti.
"Promise. Hindi na iiyak si Mama."