Nikita's Point of View "Thank you," I whispered to the Police man when he told me na andiyan na ang Manager ko at si Monti. Tinanguan niya ako at tinalikuran na. Bumuntong-hininga ako nang maisip ang pwede maging reaksyon ng mga mukha ni Bella at ni Monti kapag pinuntahan ko na sila sa waiting area. Andito kasi ako sa office ng Police station kung saan ako dinala, sa women's desk pa nga. Kinuha ko ang jacket na ibinigay sa akin ng isang lalaki kanina at isinuot iyon. Hawak-hawak ko rin ang hand bag na dala. Medyo kinakabahan ako dahil paniguradong papagalitan ako! I was just enjoying this fashion event's after party then after that, sa presinto ang bagsak ko. There was this man that harassed me. Okay naman siya no'ng una pero pinipilit na ako sumama sa kanya. I don't want that. Pini

