BUMALIK si Jaxon sa exclusive house at bahagyang nagtaka nang madatnan doon si Mikaela. Nakasimangot itong nakaupo sa sofa at nang makita siya ay tumayo ito at sinalubong siya. Naroon din ang ibang member ng Emperador at nakatingin lang sa kanila. “Bakit mo kausap ang babaeng ’yon kanina?” bungad nito. Nilampasan niya ito at dumiretso sa upuan na metal na pabilog. “Alam mo kung bakit,” maikling sagot niya. “Tigilan mo na siya. Hayaan mo na akong manakit sa babaeng ’yon sa darating na fight,” wika nito habang nakatayo sa harapan niya. “Miks, kailan ka pa nakiealam sa mga ginagawa ko?” tanong niya dahil naiirita siya sa sinasabi nito. “Ngayon lang dahil hindi ko gusto ang atensyon na ibinibigay mo sa kanya. So please, leave her alone. Ako na bahala—” “You don't need to give me order,

