MABILIS LUMIPAS ang mga araw at sumapit ang biyernes. Kasalukuyang nominations for the officer sa classroom nina Angel kaya pumunta sila sa room kahit walang klase. Nakikinig man siya at nagtataas ng kamay pero ang kanyang isip ay okupado. “Okay, nominations for muse is now open,” wika ng kanilang guro. Nagkanya-kanya na ng pag-nominate ang mga kaklase niya. “I nominate Jean for muse.” “Okay, sino pa?” tanong ng guro nang magsulat sa board. “I nominate Angelina Del Valle for muse.” “I nominate Mitsy for muse.” “I close the nomination!” sigaw ng isang lalaki. Wala siyang kamalay-malay na na-nominate siya dahil sa pagiging okupado. Basta lang siya nagtataas ng kamay sa unang pangalan na maririnig niya. Natapos ang voting at bilangan na siya ang itinanghal na muse ng kanilang clas

