Habang kumakain siya ay panay ang tingin sa kanya ni Mark Wilson at Mikaela pero hindi niya tinatapunan ang mga ito ng tingin. Basta patuloy lang siya sa pagkain pero nadi-distract siya kay Shaira na panay ang lingon kaya sandali siyang tumigil at tiningnan ito. “Shaira, just eat. Huwag kang lingon nang lingon,” iritable niyang sabi kaya nagulat ito at napatango. Napahinga siya at napailing bago bumalik sa pagkain. Pero hindi pa man ulit siya nagtatagal sa pagkain nang may tumigil sa gilid niya. Dahil doon, nagbulungan ang mga nakamasid sa kanya at ibang kumakain sa cafe. “Si Vincent lumapit sa kanya.” “Kaya nga. Mukhang magkakilala sila.” “Impossible naman.” “Baka nagkita lang somewhere.” “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito. Nag-angat siya ng tingin dito at nakita niya ang n

