KASALUKUYANG nasa gate 2 si Mikaela kasama si Lara at Jaimee. Ang dalawang bagong kasama nila ay wala roon at pabor iyon sa kanya dahil may mahalaga rin silang pag-uusapan. “Miks, bakit wala rito sina Eunice at Jane?” tanong ni Jaimee. “Tss. Hindi sila kasali rito. Bagong members sila, means, hindi natin sigurado kung mapagkakatiwalaan agad sila kaya mas mabuti na rin ’to,” wika niya. “Okay, pero ano ba ang sasabihin mo?” tanong ni Lara. “Well, I have this feeling na may ginagawa sila Jax na inililihim sa akin. Baka mamaya, tungkol iyon doon sa babaeng Angel ba ’yon or whatever her name, gusto kong malaman,” wika niya. “Baka may plano sila, makakasagabal lang tayo at malilintikan kapag nahuli tayo,” wika ni Jaimee. “Oo nga, magtiwala ka na lang kay Jax,” sagot naman ni Lara. “No.

