TAHIMIK na nag-iisip si Jaxon pagkatapos marinig ang anunsyo ni Hera. Kasalukuyan silang nasa exclusive house dahil break time naman nila. ’Ano kaya ang plano nila? Bakit biglang nagbago ang laban? May tinatarget kaya sila ngayon?” Sa isip niya habang nakatingin sa kawalan. “Jax, what we're you thinking?” tanong ni Ethan sa kanya. Sinulyapan niya ito at umayos siya ng upo. “Iniisip ko lang kung ano ang plano nila ngayon. Bigla nilang binago ang pag-welcome nila sa mga bago kumpara noon,” sagot niya. “Napansin ko rin ’yan pero ano ang plano mo?” tanong nito sa kanya. “Wala pa. Hindi muna tayo kikilos ng basta dahil baka mabulilyaso lahat ng pinaghirapan ko. Ayokong mawala lahat,” wika niya. Dahil pumasok siya roon upang hanapin ang mga taong pumatay sa kanyang ama. At alam niyang

