KINABUKASAN, maaga siyang bumangon at naligo dahil maaga ang fisrt class niya 7:00 am. Pareho lang naman sila ng oras ng pasok ni Shaira kaya maaga rin ito bumangon although nasa grade 12th na ito kaya magkaiba sila ng building. Nakaligo na rin sila pareho at nakabihis na si Shaira pero siya ay hindi pa. “Gel, good luck sa first class mo,” wika nito sa kanya. Hindi siya umimik at pinagmamasdan lang ang uniform. Masiyado kasi itong maiksi para sa kanya, kahit na nagsusuot naman siya ng skirt noon ay kasama rin naman iyon sa nagbago sa kanya. “Hindi ba pwedeng ripped jeans at t-shirt na lang ang isuot ko?” tanong niya. Nakita niyang bagay ito kay Shaira at tila walang kahirap-hirap ito na suotin iyon. “Bawal, Gel. Kapag ganitong araw, hindi pwede. Required talagang uniform pero sa Thurs

