PAGKATAPOS ni Angelina maligo at magbihis ay may biglang kumatok sa pinto ng kanilang silid. Napakunot noo siya bago ito lapitan at buksan. Bumungad sa kanya ang lalaking nagbigay sa kanya ng invitation card noon sa b****a ng gate. “Magandang gabi, Miss Angelina. Nagkita na naman tayo,” wika nito at ngumiti nang makita siya. Seryoso niya itong tiningnan. “I am not happy to see you again. Ano kailangan mo?” matapang na sagot niya ngunit hindi nawala ang ngiti nito na nagbigay ng iritasyon sa kanya. Akmang isasarado na niya ang pinto nang pigilan nito iyon gamit ang paa. Doon lang niya napansin na may bitbit itong naka-plastic na damit at isang paper bag. “Iaabot ko lang ang mga ’to. Ang inyong gamit at uniporme para bukas. Ipinaaabot ni Principal Hera,” wika nito at inilahad iyon sa ka

