* Nasa kahoy ang bawat numero at may dalawang malaking jar sa harapan ni Kevin. May tig-apat iyon na laman. Hindi tumatayo si Angel dahil wala na sana siyang balak lumaban sa finals. “Take note, sa fight na ito hindi pwedeng hindi kayo lalaban dahil automatic kayong disqualified kahit pa umabot na kayo sa round na ito,” anunsiyo nito. Napatingin siya rito at nakangisi ito. “Gel, ayaw mo pang tumayo,” sambit ni Shaira. Nagtama ang tingin nila ni Hera at ngumiti ito sa kanya. Plano talaga nito na walang umatras sa laban. Kaya kahit ayaw niya wala siyang magawa kundi tumayo. Inalis niya ang tingin dito at naglakad papunta kay Kevin. Naroon na ang ibang pasok sa finals at siya na lang ang hinihintay para makabunot ng numero. Sa bandang kanan siya ng jar nakatapat kahanay si Mikaela, Jax

