** Kinaumagahan, nagising sila ni Shaira sa announcement ni Hera mula sa speaker. Nagmulat siya ng mata at agad iyon lumipad sa digital clock. Nakita niyang alasais y media pa lang ng umaga. “Good morning, students. I’m sorry for disturbing your sleep but I need to announce the final round. This is different from the previous rounds. Kung sa mga naunang round, gabi ginanap ang fight. Ngayong finals ay umaga gaganapin ang laban,” paliwanag ni Hera. Nagkatinginan sila ni Shaira bago siya nagpasyang bumangon para pakinggan ng ayos ang sinasabi ni Hera. “At magsisimula iyon mamayang 8:30 am. So please, prepare yourself and your mind. That's all, have a nice day, students!” dagdag nito at namatay ang speaker. “Ang aga naman yata ng laban,” sambit ni Shaira at bumangon na rin. Pagkatapos a

