* Marami ang sumali sa race, tila ang iba ay hobby talaga ang pagmo-motor kaya gustong-gusto sumali. Since it's a simple activity din naman para sa kanila. Alas syete na rin ng gabi. May dalawang poste sa gitna loob ng oval na hindi nahahagip ng nagkakarera. ’Parang matagal nang nakatayo ang oval na ito. Abandunado man tingnan pero mukhang pinalinyahan nila ng kuryente para rito.’ Sa isip niya habang tinitingnan ang linya ng kuryente na naka-connect sa school. Magdadalawang taon pa lang ang Gang Empire kaya impossibleng sila Hera ang nagpagawa ng oval dito. Dead end na ito at may malawak lang bakanteng lote, marahil naisip gawin itong oval for this kind of activity pero sino ang nagpagawa nito? Mga bagay na naglalaro ngayon sa isip niya. “Alright, gusto ni Mika mag-join sa race. Sin

