* Mabilis na lumipas ang mga araw na walang nangyaring gulo o away sa pagitan nila ni Mikaela. Ipinagtaka niya iyon pero pabor na rin sa kanya dahil ayaw na niyang makipagbangayan dito. Biyernes na ngayon at katapusan na ng buwan ng June. Ibig sabihin, ngayon magaganap ang race na pa-activity ni Hera sa labas ng school. Alas tres na ng hapon at nakaligo na rin sila ni Shaira. Naghihintay na lang sila ng anunsiyo nito. Tinanggal na niya ang benda niya sa kamay niya dahil hindi na magtataka ang mga ito. Ilang araw na ang lumipas kaya hindi na sila maghihinala sa kanya. Although iyong ibang nagpasa talaga ay pinaglagyan niya ng make up para gawing peke na pasa. Thanks to her new friend, nakakakilos siya nang hindi kailangan mahirapan itago ang kakaibang nangyayari sa katawan niya. Haban

