Chapter 4

2033 Words
NAGPATULOY siya sa pagsali sa Street fights. Pagkagaling niya sa school ay pupunta na siya roon. Minsan nanonood siya pero madalas siya ang pinapanood. Pagkatapos ng laban nila ni Cassiopeia, imbes na magpahinga ay nag-ensayo pa siya. Ang isang linggong lumipas ay wala siyang ginawa kundi magbanat ng buto kaya nang sumapit ulit ang linggo, muli silang nagkita ni Cassiopeia. “Long time no see…” Tumigil ito na tila nag-iisip ng pangalan niya. “Hmm, let me call you, Black Angel. Since you like black color and your is look like an angel,” wika nito sa kanya. Wala siyang ipinakitang reaksyon pero tiningnan niya ito at hindi man niya aminin, nagustuhan niya ang itinawag nito sa kanya. Napagtanto rin niya na malaki na ang ipinagbago niya. Halos hindi na rin siya nagsasalita kung hindi importante o hindi kilala ang kausap niya. “Don't you know how to smile?” iritang sabi nito ngunit nananatili siyang tahimik. “Tss. Well, I just want you to know na hindi ako ang makakalaban tonight,” sambit nito. Bahagya siyang nagulat pero hindi siya nagsalita. Dahil wala naman siyang pake kahit sino pa ang makalaban niya. “She’s Jana, my cousin and she wants to fight with you,” wika nito. “Okay lang ba sa ’yo? Baka isipin mo na natakot ako, no. Hindi pa ako tapos sa ’yo but nag-request siya. Mahilig kasi siya sa mga newbie,” lintanya nito. “Ayos lang, kahit sino lalabanan ko,” maikling sagot niya. “Mayabang ka pala,” wika ng isang babae na nagngangalang Jana. Ang pinsan ni Cassiopeia. “I am just saying the truth, kung nayabangan ka, problema mo na ’yon,” wika niya. At bago pa man sila magkainitan ay pumagitna na si David. “Take it easy, ladies. Baka hindi matuloy laban ninyo, hinihintay pa naman ’to ng lahat,” wika nito. “Whoo! Galingan mo, B.A!” wika ng manonood. “Kay Black Angel kami!” “Oo nga! Maganda na, malakas pa!” “Boo! Atras na kayo!” “Boo, Cassiopeia!” “SHUT UP! I am not a coward. David, hindi ba pwedeng kaming dalawa laban sa isa?” inis na tanong nito. Tinitigan niya ito at napangisi siya. “Hindi pwede, Cass. Alam mo naman—” “It's okay with me,” singit niya kaya napatigil si David at napatingin sa kanya nang may pagkagulat. “Seryoso ka, Black Angel?” tanong nito at tumango lang siya. Napangiti siya dahil talagang binansagan na siyang Black Angel ng lahat. Nakaramdam siya ng satisfaction dahil doon. “I didn't know na malakas ang loob mo. Baguhan ka lang pero kung umasta ka kala mo kung sino ka,” sambit ni Cassiopeia. “Wala namang rules na bawal ang newbie. Isa pa, as long as kayang lumaban pwedeng magyabang,” seryosong sambit niya. “Okay, tama na ’yan. Mabuti pa simulan na natin ito para matapos na ang bangayan ninyo. Sa fight ninyo ibuhos ang lahat ng galit at inis ninyo,” wika ni David. Napangisi ang magpinsan habang nakatingin sa kanya. Hindi niya ito pinansin at naghintay sa sunod na sasabihin ni David. “So, two versus one ang fight. Bawal ito pero dahil pumayag si Black Angel, wala ng bawal. Two minutes lang ang time interval dahil may mga naka-line up pang fight,” wika nito at tumango siya. “Sige, dito kayo sa gitna. At magsisimula ang laban sa pagbilang ko ng tatlo.” Pumunta sila sa gitna at nagharap. “Isa…dalawa…tatlo!” wika ni David at umalis sa gitna. Pag-alis na pag-alis nito ay sabay na sumugod ang magpinsan. Parehong nagpakawala ng suntok na pareho niyang naiwasan. Sunod ay sumipa siya at tinamaan si Jana. Pero natadyakan siya ni Cassiopeia kaya napahiga siya. Yuyurakan sana siya ni Jana pero naging mabilis ang kilos niya at nakaiwas agad siya. HINDI magkamayaw sa paghiyaw at pag-cheer ang mga manonood sa nagaganap na fight. May nagchi-cheer kay Angel at mayroon din sa magpinsan. Pero ang iba ay talagang tutok lang sa panonood. Bawat atake ng magkalaban ay sinusundan nila. Nagpakawala si Cassiopeia ng suntok na nasalo ni Angel. Sumunod si Jana na naiwasan niya kaya nagkaroon ito ng pagkakataon sabunutan si Jana. Sinipa nito si Cassiopeia sa sikmura kaya napaatras ito. Sunod ay tinuhod niya si Jana at sinuntok sa panga kaya napangiwi ito sa sakit. Tumutulo na ang mga pawis at hinihingal pero walang gustong magpaawat. Muling sumugod si Jana at nakalusot ang sipa nito sa mukha ni Angel kaya bahagya siyang nahilo at napaatras. Muling umatake si Jana pero yumuko si Angel at mabilis itong sinikmuraan. Susugod na sana sa likod si Cassiopeia nang humarap siya at magpakawala ng malakas na sipa dahilan para mapagulong sa sakit. Parehong bumagsak si Cassiopeia at Jana habang hinihingal at iniinda ang sakit. Samantala hingal na hingal si Angel pero kapansin-pansin na rin ang panghihina niya. Kaya pumagitna na si David. “Okay, time is up. Black Angel is win! Congratulations!” wika nito. Saka lang siya napaupo nang ianunsyong tapos na ang laban. Hininhingal siya habang nakatingin sa dalawa. Kahit pagod siya, tumayo siya at nagpunta sa sulok para doon magpawi ng hingal dahil may maglalaban pa ulit sa gitna. Muli niyang nilingon ang magpinsan at tinutulungan na ito ng mga kasamahan nito. Iniiwas niya ang kanyang tingin at nanood na lang sa sunod na laban. Nang bigla na lang lumapit sa kanya si Cassiopeia. Nag-angat siya ng tingin dito at nakangiti ito sa kanya. “Nice fight, B.A. Aaminin ko nang mas magaling ka sa akin,” wika nito habang habol la rin ang paghinga pero hindi siya umimik. Nakatitig lang siya rito. “Kung magtatagpo ulit tayong dalawa, handa ka pa rin bang labanan ako, Angel?” tanong nito. “I did this because I have a plan, Cassiopeia, not because I want to impressed everyone or even you,” maikling sagot niya. “Well, malay mo naman magtagpo ulit tayo. Your intimidating look and cold treatment does not end here,” wika nito at tumalikod pero hindi pa umaalis. “Pero kung sakaling magkrus ulit ang landas natin, sana hindi na tayo magpalitan ng sipa at suntok. I hope we can be friends,” sambit nito at saka naglakad palayo. Sinundan niya ito ng tingin at hindi pinansin ang sinabi nito. Dahil para sa kanya malabong mangyari iyon. Because she doesn't trust anyone. Habang nagpapahinga siya, naisip niyang kahit nanalo siya ay pakiramdam niya mahina pa rin siya. Kaya nagka-ideya siya na mas lalakas siya kung magpapaturo siya kay David. Dahil mukhang marami itong alam sa pagbabanat ng buto. Kaya nagdesisyon siyang maghintay na matapos ang lahat ng fight para kausapin si David. PASADO Alas dose ng madaling araw nang matapos ang huling laban. Napawi na rin ang hingal niya pero inaantok naman siya kaya tumayo na agad siya at nilapitan si David. “David…” tawag niya. “Oh, Black Angel, bakit? Kukunin mo ba ang premyo mo?” tanong nito kaya umiling siya. “Kung ganoon, ano ang kailangan mo?” tanong nito. “Turuan mo akong maging malakas,” wika niya. Kumunot ang noo nito. “Marunong ka na, hindi mo ba alam na malakas ka na?” tanong nito. Umiling siya. “Alam mo, itong street fights na ’to, libang lang ’to. Kumbaga pera-pera lang kasi halos nakatira rito puro mahilig sa basag-ulo kaya naisip kong gawin ito. Hindi ako marunong lumaban, pasensya na,” wika nito at tinalikuran siya. Napabuntonghininga siya at bagsak ang balikat na naglakad pauwi. Pero hindi siya pinanghinaan ng loob. Lumipas ang mga araw na puro siya pagbabanat ng buto. Lahat ng self-defense na napapanood niya ay inaaral niya. Bumabalik-balik pa rin siya sa street fight at hangga’t kaya niyang pumalag ay lumalaban siya. Hanggang sa nasanay na ang katawan niya sa mga sakit, pasa, sipa at suntok. Kaya tila namanhid na ito. Nang maka-graduate siya sa grade tenth ay tila bumalik ang dating Angelina, dahil muli niyang inalala ang masasayang alaala kasama ang magulang niya. With honors siya kaya kung kasama niya ang pamilya niya tiyak na matutuwa ito. Nangilid ang luha niya dahil malabong mangyari iyon. “Angel, halika, pagsaluhan natin itong spaghetti,” wika ni Lupe sa kanya. Nakaupo siya habang hawak ang family picture nila at ang medals niya. “Nakakamiss iyong ganito, na kapag may honor ako maghahanda kayo tapos sabay-sabay nating pagsasaluhan. Naalala ko pa na favorite 'to namin ni daddy,” wika niya habang nakangiti. “Oo nga, ang saya-saya ninyo noon,” sagot nito. “Pero ngayon hindi na, sinira nila ang masayang buhay namin,” wika niya at naglaho ang ngiti. Napalitan ng lungkot at galit. Dahil kahit ano ang gawin niya hindi niya kayang kalimutan ang nangyari sa kanila. Uhaw siya sa sagot kung bakit kailangan patayin ang ama at ano ang motibo nito. Ang tanging naiisip lang niya ay ang politiko at pagtulong sa tao, kaya sinabi niya sa sarili niyang hindi na siya magiging mabait. Dahil kahit ano ang kabaitang ipakita mo, kapag may nainggit sa ’yo, mababalewala lahat ng magagandang nagawa mo para sa kanila. Nagsandok si Lupe ng spaghetti sa mangkok at inilapag sa harapan niya. Umupo ito sa tapat niya at ngumiti. “Ano ang plano mo, anak? Ano ang kukunin mo sa grade eleventh?” tanong nito. ’Plano ko? Marami akong plano, lalo na sa mga taong sumira sa amin.’ Sa isip niya at tila hudyat na rin iyon para magpaalam siya kay Lupe. “Babalik po ako ng Manila,” simpleng sagot niya. Inilapag niya ang family picture na hawak niya at nagsimulang kumain ng spaghetti. “A-ano? Masyadong delikado, Angel. Hindi natin alam baka hinihintay lang nila—” “Hindi ko po kayang manatili rito knowing na mag-iisang taon na si daddy pero hindi ko man lang siya nadadalaw. Hindi ko na nga po napuntahan man lang lamay o libing niya, ito lang po ang paraan ko para makabawi sa kanya. Isa pa, hindi po ako habangbuhay magtatago sa kanila. May kasalanan sila sa akin kaya hindi ko kailangan matakot,” wika niya nang hindi nililingon si Lupe. “Pero hindi mo kilala ang mga taong iyon. Paano kung patayin ka rin nila?” tanong nito. Tumigil siya sa pagkain at tiningnan si Lupe. “’Nay, pasensya na po pero buo na po ang desisyon ko. Babalik ako ng Manila sa ayaw at sa gusto ninyo,” wika niya. Desidido na siya. Hindi siya naghirap at nagpagod sa mga street fights para lamang sa wala, kaya walang makapipigil sa kanya. “Mag-iisang taon pa lang pero ang laki na ng pinagbago mo, hija. Naglaho iyong Angel na masayahing kilala ko, bibo, palakaibigan, mabait at madaldal,” wika ni Lupe. Napaiwas siya ng tingin at muling kumain. “Lahat pwedeng magbago, ’nay. Kapag ang trahedyang nangyari ay mahirap kalimutan lalo na kung nag-iwan ito ng malaking sugat. Pero, ako pa rin po ang batang inalagaan ninyo. Nagbago lang ako ng pakikitungo sa ibang tao pero hindi sa inyo. Pasensya na po pero ito na talaga ang desisyon ko. Maiintindihan ko kung hindi kayo sasama pabalik, mas pabor iyon sa akin para alam kong safe kayo rito,” wika niya. Ngumiti si Lupe sa kanya. “Maging kung paano ka magsalita, nagbago rin. Kung ganoon, wala na akong magagawa. Basta, palagi kang mag-iingat. Kung ano man ang plano mo, ayokong makasagabal kaya magpapa-iwan ako,” wika nito. Napangiti siya habang nangilid ang luha kaya tumayo siya at lumapit kay Lupe. “Salamat po sa lahat. Salamat po sa pag-aalaga sa akin. Salamat kasi hindi ninyo ako pinabayaan. Mahal ko po kayo, ’nay,” wika niya. “Alam ko at mahal din kita. Sige na, kumain ka na. Hindi ka pa naman aalis, ’di ba?” tanong nito at tumango siya. “Sulitin natin ang mga araw na magkasama tayo bago ka umalis,” wika nito at tumayo siya saka bumalik sa pag-upo para magpatuloy sa pagkain. Sa pagkakataong iyon, kakalimutan muna niyang siya si black Angel. Dahil gusto niyang iparamdam kay Lupe na siya pa rin si Angelina na dati nitong inalagaan habang sinusulit nila ang mga natitirang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD